Nasa dating stage pa hanggang ngayon, AJ ibinunyag na July 2021 pa siya nililigawan ni Aljur

Nasa dating stage pa hanggang ngayon, AJ ibinunyag na July 2021 pa siya nililigawan ni Aljur

Nasa dating stage pa hanggang ngayon,  AJ ibinunyag na July 2021 pa siya nililigawan ni Aljur
- Inamin ni AJ Raval na matagal na siyang nililigawantawag ko po sa kanya ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica

- Ibinuking nito na nagsimula itong manligaw sa kanya noong July 2021 base sa kanyang panayam

- Natatawa rin umano ito nang malaman niyang 19 na silang magkakapatid nang makilala niya si 'Sean'

Nakapanayam ng isang kolumnista ng kilalang entertainment website na BANDERA ang sikat na sexy actress ngayon na si AJ Raval.

Nakipag-chikahan ang dalaga pagkatapos ng private screening ng kanyang pelikulang 'Kaliwaan' na mapapanood naman sa Vivamax ngayong Abril 29.

May malaki umanong impluwensiya ang manliligaw ni AJ sa kanya bilang isa sa nagpapasaya na rin sa kanya ngayon.

Chika nito, “Yes po, mas gusto ko pa lalong magbago saka ang maganda po ngayon may nagga-guide po sa akin like kung ano po ‘yung tamang gawin. May mga desisyon po ako na hindi ko alam na mali."

May sagot naman din ang aktres sa tanong kung may selosan na nagaganap sa kanilang ni Aljur lalo na't madalas silang gumaganap sa mga sexy scenes.

“Nu’ng una po, pero since mas matagal na siya sa akin at naiintindihan ko na rin. Saka wala pa naman kaming (relasyon) or anything. Kinikilala pa po namin ang isa’t isa.” saad nito

Ipinahayag pa niya na nasa dating stage na umano sila ng aktor, “Hindi naman po ako makikipag-date sa isang guy kung hindi rin ako serious at saka alam ko ang intensyon.

“Parang getting to know palang din po. Mutual understanding? Naiintindihan po namin ang isa’t isa. Corny po pakinggan pero ligaw po talaga” aniya.

Ilang buwan na rin umano simula noong nangligaw sa kanya si Aljur, "Nag-start po ng month ng July (2021).”

Samantala, ibinuking naman nito ang tawagan nila ng kanyang manliligaw. “tawag ko po sa kanya kuya at siya naman ay hija.”

Natatawa nga rin ito nang banggitin niya na nakilala na niya ang kanya pang kapatid na lalaking nagngangalang 'Sean'. Kamakailan nga lang daw kasi niya nalaman na mayroon pa siyang kapatid ulit sa ama.

“Alam ko po 18 na kami, tapos nakilala ko si Sean, so pang-19 na,” ani ng natatawang AJ.