AJ Raval labis na umiyak matapos gawin ang s*x scene sa apat na kalalakihan!: “Iyak lang ako ng iyak…”

AJ Raval labis na umiyak matapos gawin ang s*x scene sa apat na kalalakihan!: “Iyak lang ako ng iyak…”

AJ Raval labis na umiyak matapos gawin ang s*x scene sa apat na kalalakihan!: “Iyak lang ako ng iyak…”
Ibinahagi ni AJ Raval ang kaniyang naramdaman matapos na i shoot ang isa sa pinaka mahahalagang eksena para sa kaniyang pelikulang ‘Kaliwaan’.

Ito nga ang latest film ni AJ Raval kung saan katambal niya si Vince Rillon na nagmula sa konsepto ni Brillante Mendoza.

Sa nasabing pelikula nga ay mapapanood ang karakter ni AJ Raval bilang Spa Attendant at masahista na tila ba pinagpasahan ng apat na kalalakihan.

Kabilang sa mga lalaking nakasama ni AJ Raval ay sina Juami Guitierrez, Mark Anthony Fernandez at Felix Roco, kasama pa nga ang main partner niyang si Vince Rillon, at dito ay naibahagi niya ang naranasang s*x scenes sa apat na kalalakihan.

Nang tanungin kung napagod ba siya sa dami ng s*x scenes ng pelikula; “Sa totoo lang po, yes po. Actually, meron pong pagkakataon na parang buong isang araw, puro karga lang ako. Umiiyak po ako.

“Tapos, nu’ng pack-up na po kami, dala-dala ko pa rin siya. And then, tumakbo po ako sa friend ko. Lock-in kami nu’n, e.

“Tapos pumunta ako sa friend ko. Tapos pumunta lang ako dun, iyak lang ako nang iyak. Hindi ko po alam bakit ako umiiyak. Parang nadala ko po yung emosyon ng karakter,” pahayag ni AJ.

Naibahagi tin niya ang naging karanasan niya ng makatrabaho si Mark Anthony; “Si Kuya Mark, hindi ko alam, aliw na aliw po ako sa kanya na katrabaho.

“Parang after nu’n, gusto ko na siyang maging tropa. Nakakaaliw po siya. Tapos, yung eksena po namin…very ano naman po siya, very professional. Saka yung mga r*strictions, talagang nagtatanong siya kung hanggang saan puwede.

“Marespeto naman po siya sa mga eksena namin at napakagaling. Magaling po si Kuya Mark,” aniya pa.

Nang mapanood naman ni AJ Raval ang buong pelikula ay proud umano siya sa magandang kinalabasan ng ginawa nila, “Ganito pala kaganda yung film! Kasali pala ako dito, sabi ko sa sarili ko!

“Kasi, nu’ng sinu-shoot namin yun, parang nagbe-breakdown ako the whole day. Ang akala ko talaga, yung film, drama lang. So, hindi ko in-expect na ganun pala kaganda yung story saka yung, ayan, kung gaano kagaling sina Vince, sina Kuya Felix.”