Lovi Poe at Piolo Pascual magtatambal sa isang Kapamilya Serye!

Lovi Poe at Piolo Pascual magtatambal sa isang Kapamilya Serye!

Lovi Poe at Piolo Pascual magtatambal sa isang Kapamilya Serye!
- Pormal ng winelcome si Lovi Poe bilang bagong kapamilya

- Muli namang pumirma ng kontrata si Piolo Pascual upang manatili bilang isang Kapamilya

- Magtatambal ang dalawa sa PH Adaptation ng isang hit Korean series

Ngayong araw ay pormal ng winelcome ng Kapamilya Network ang kanilang pinaka bagong Kapamilya star na si Lovi Poe.

Pormal na itong pumirma ng kontrata at sinalubong ng isang bonggang red carpet kasama ng ABS-CBN and CEO Carlo Katigbak, COO of Broadcast Cory Vidanes at head of Dreamscape Deo Endrinal.


Matapos ang mahigit na 15 taon bilang kapuso ay proud na ibinandera ni Lovi Poe ang pagiging isang certified kapamilya na niya.

Samantala kasabay ni Lovi ay ang pagpirma rin ng exclusive contract ni Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual.


Matapos ang ilang buwang bulong bulungan ng di-umano'y paglipat niya sa ibang network at winakasan na ito ni Piolo Pascual ngayong araw.

Sa sabay nilang pag pirma ay nakatakda silang bumida sa isang bigating teleserye na isang Philippine Adaptation ng isang hit korean series na "Flower of Evil" na nakatakdang umere sa susunod na taon.