Huling Vlog ni Mahal, binalikan ng Netizens upang ipakita ang pagmamahal sa kumedyante

Huling Vlog ni Mahal, binalikan ng Netizens upang ipakita ang pagmamahal sa kumedyante

Huling Vlog ni Mahal, binalikan ng Netizens upang ipakita ang pagmamahal sa kumedyante
- Nitong huling araw ng Agosto ay ginulat ang lahat ng balitang pagpanaw ni Mahal o ni Noeme Tesorero

- Pumanaw ito dahil sa sakit na Gastro na pinalala ng Covid

- Binalikan naman ng mga netizens ang mga Vlog ni Mahal upang gunitain ang mga kasiyahang ibinahagi nito sa marami

Ginulat ang lahat ngayong huling araw ng Agosto ng balitang pagpanaw ng kumedyanteng si Mahal o sa totoong pangalan niyang si Noeme Teserero.

Pumanaw ang kumedyante na kinumpirma ng kaniyang kapatid sa pamamagitan ng isang facebook post, ani pa nito na pumanaw ang kapatid dahil sa sakit na Gastro na pinalala pa ng Covid.

Tila nga hindi ito inaasahan ng lahat lalo pa at aktibong aktibo sa pagbabahagi ng mga vlog niya si Mahal sa kaniyang YouTube channel.

Sa katunayan ay nitong August 27 lamang ay may latest vlog itong ibinahagi sa kaniyang YouTube channel.

Kaya naman labis labis na pasasalamat at patuloy na suporta ang ibinahagi ng mga netizens sa comment section ng naturang huling vlog ni Mahal.

"Nagulantang kami sa balita. Nalungkot kami. Mamimiss ka namin. Maraming naraming salamat sa mga patawa at halakhak na inalay mo sa aming lahat. We love you so much. Be happy Mahal kasama si Lord. Rest in Peace."

"Nagmamarathon ako sa mga video nyo dahil mamimiss ko ang mga tawa mo Mahal. Atleast bago man pumanaw ay nakita namin na nakasama mo si Mura. Rest in Paradise."

"Hard to believe that you were gone Mahal. You were gone but never be forgotten. You will always be remembered. Rest well in the kingdom of God, Mahal. My heartfelt condolence to the bereaved family."

Sa pamamagitan ng mga kumento ng netizens ay idinaan nila ang pagpapasalamat kay Mahal.

Narito ang huling vlog ni Mahal:

Maraming Salamat sa pagpapasaya mo sa amin Mahal.