Bella Padilla, agaw eksena sa ibang bansa kasama ang kaniyang Boyfriend

Bella Padilla, agaw eksena sa ibang bansa kasama ang kaniyang Boyfriend

Bella Padilla, agaw eksena sa ibang bansa kasama ang kaniyang Boyfriend
- Agaw eksena si Bella Padilla sa isang kasal na kaniyang inattend-an

- Kasama kasi nito ang kaniyang Boyfriend na kakikitaan ng kilig sa kanilang dalawa

- Umani naman ito ng kumento mula sa kaniyang mga kaibigan na tunay na kinilig sa kanilang nakita

Agaw eksena ang aktres na si Bella Padilla sa inattend-an niyang kasal mula sa Italy kasama ang kaniyang Boyfriend.

Base sa post ni Bela sa kanyang Instagram ay dumalo sila sa isang kasalan ng Swiss boyfriend niyang si Norman Bay na ginanap sa Lake Como, Italy base na rin sa caption niyang, “tanti auguri” na ang ibig sabihin ay “congratulations.”


Litaw na litaw ang ganda ni Bella suot ang magarang canary yello gown, at tunay na kakikitaan naman ng pagka proud sa kaniya ang kaniyang boyfriend na si Norman.


Samantala umani naman ng kumento ang nasabing post niya mula sa ilang malalapit na kaibigan sa showbiz.

Nangunguna naman ang bestfriend for life ni Bea na si Kim Chiu sa mga nagkomento sa nasabing IG post. Sabi ni @chinitaprincess, “Sooo bagay! (heart emojis). Soooo super cutie!!!!!”

Ayon naman sa asawa ni Robin Padilla na si Mariel Padilla, “Beautiful.”

Komento ng stylist ni Bela na nagbihis sa kanya sa okasyon na si @adrianneconcept, “Bela and Harry spotted in Lake Como (Italy). ILY besh @bela.”