Pia Wurtzbach, may nakakatawang sagot sa isang nag-comment sa isa sa TikTok videos n'ya!

Pia Wurtzbach, may nakakatawang sagot sa isang nag-comment sa isa sa TikTok videos n'ya!

Pia Wurtzbach, may nakakatawang sagot sa isang nag-comment sa isa sa TikTok videos n'ya!

- Isa sa mga sinusundan ng netizens sa TikTok ay si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

- Sa isa sa mga video nito, may isang netizen na nagcomment na sana raw ay sumali s'ya sa Miss Universe Philippines dahil sigurado na raw ang panalo nito.

- Pabiro nagreply si Pia tungkol sa naging kontrobersya noon sa Miss Universe noong 2015.

Kung 'di s'ya abala sa mga commitment nito, nagiging libangan rin ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang social media, lalo ang video sharing platform na TikTok. Kaya isa s'ya sa pinakasinusundang Pinoy celebrities ng marami dahil sa kanyang galing sa pagsayaw, pag-dub, at maging sa ilang funny antics nito.

Sa isa sa videos nito, kung saan "tulala" s'ya at "may nakalimutan", marami pa rin ang nabighani sa kanyang ganda, kaya naman may isang netizen na nagcomment sa kanyang video, na tila gustong pasalihin muli si Pia sa beauty pageant.

Ayon kay fre_eya, "Pag ito naging pambato ng Miss Universe (Philippines), siguradong PANALO. Sali ka, next!"

Pabiro naman yun nireplyan ni Pia, na tila ayaw na n'yang sumali roon, dahil kung sakaling s'ya ang palarin, maaring "magkamali" na naman ng announcement.

Ayon kay Pia, "Ayoko po. Balita ko nagkakamali sila ng announcement doon eh (kalakip ang laugh emoji)."

Matatandaang noong 2015 Miss Universe, nagkamali ng announcement ang host na si Steve Harvey ng nanalong kandidata, na sa halip na si Pia, ay ang kandidata ng Colombia ang binanggit nya. Matapos ang koronasyon, ay bumalik si Harvey para itama ang naturang maling anunsyo.