Julia Montes puspusan na ang pagti training para sa pagpasok niya sa 'FPJ'S Ang Probinsyano'

Julia Montes puspusan na ang pagti training para sa pagpasok niya sa 'FPJ'S Ang Probinsyano'

Julia Montes puspusan na ang pagti training para sa pagpasok niya sa 'FPJ'S Ang Probinsyano'
- Trending at tunay na pinag usapan ang kumpirmasyon ng pagsabak ni Julia Montes para sa FPJ'S Ang Probinsyano

- Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi nito ang kaniyang pag ti-training

- Kinahangaan agad ng maraminang dedikasyong ipinapakita ni Julia Montes sa kaniyang ginagawang pag e ensayo

Trending at naging usap-usapan nga talaga sa social media ang kumpirmasyon hingil sa pagsabak o pagpasok ni Julia Montes sa hit seryeng FPJ'S Ang Probinsyano.

Matagal na kasi itong hinihiling ng avid viewers lalo pa at sina Coco Martin at Julia Montes ay tila tunay na magpartner na sa totoong buhay at kulang na lamang ay ang kumpirmasyon nila.

Samantala pinusuan at hinangaan ng marami ang Instagram video na ibinahagi ni Julia Montes sa kaniyang pagti-training.

Sa nasabing video ay mapapanood ang kaniyang pag e ensayo habang sakay ng isang motorsiklo.


Caption pa nito sa video post niyang nagmo-motor, “RIDE ON! Watch this sneak peek ng motorcycle training ko for Ang Probinsyano! Madami nakakasabik na eksena ang dapat po ninyong abangan kaya sana samahan po ninyo ako. Promise ko po sa inyo is to keep you updated. Wish me luck, guys! This is thrilling!

Pagkatapos ay pinasalamatan nito ang kaniyang nga instructor, "“Maraming salamat po sa aking mga instructor Sir Carlos and Aries and Manager Jun Lomibao.”

Nakatanggap naman ito ng iba't-ibang papuri mula sa kaibigan lalo na ang mga makakasama niya sa serye na bahagi ng Task Force Agila kagaya na lamang nina Jay Gonzaga, Mark Manicad at Sancho Delas Alas.