Kiray Celis may hirit kay Ellen Adarna tungkol kay Derek, "Una siyang naging akin"

Kiray Celis may hirit kay Ellen Adarna tungkol kay Derek, "Una siyang naging akin"

Kiray Celis may hirit kay Ellen Adarna tungkol kay Derek, "Una siyang naging akin"
- Trending at naging usap usapan ang latest facebook post ni Kiray Celis

- Hitik na hitik kasi sa social media ang pagmamahalang Ellen Adarna at Derek Ramsey

- Kaya naman nag post ng throwback video nila ni Derek habang naghahabulan sa dalampasigan si Kiray Celis

Trending at usap-usapan ngayon ang throwback post ni Kiray Celis sa kaniyang official facebook account.

Dahil ito sa video kung saan mapapanood na naghahabulan sila ni Derek Ramsey sa dalampasigan at tila sweet na sweet pa sila sa isa't-isa.

"Sorry Ellen, nauna talaga ako. Bwahahahaha," caption pa ni Kiray sa pa throwback post niyang ito.


Di nga lingid sa kaalaman ng marami ngayon ang hitik na hitik sa social media ang pagmamahalang Ellen Adarna at Derek Ramsey, matatandaan pa ngang nag propose na si Derek kay Ellen kahit pa ilang buwan pa lamang ang relasyon nila.

Ikinatawa at ikinatuwa naman ng netizens ang throwback video na ito ni Kiray na tila kuha mula sa shooting nila sa dating pelikula nila ni Derek na 'Love is Blind'.

Napa "Eheeemmm!" naman tuloy ang jowa ni Kiray na si Stephen Estopia sa post na ito.

"Haha ang cute kakilig parang totoo ses kiray hahaha may spark, ayiee Haha pinaalam mo ba yan kay jowa hihi," hirit naman ng isang netizen na natawa sa video.