Babaeng nasiraan umano ng ulo ipinagtanggol ang sarili? Major twist kaibigan pala ang nag post ng lahat?

Babaeng nasiraan umano ng ulo ipinagtanggol ang sarili? Major twist kaibigan pala ang nag post ng lahat?

Babaeng nasiraan umano ng ulo ipinagtanggol ang sarili? Major twist kaibigan pala ang nag post ng lahat?
- Trending at usap-usapan kamakailan ang isang post ng netizen na humingi ng tulong para sa isang babaeng nakita niya na nasiraan umano ng ulo

- Ngunit nagsalita na ang babae sa litrato at pinasinungalingan ang sinabi ng netizen

- "Hindi po ako nasiraan ng ulo," ani ng babaeng nasa trending na litrato

- Ngunit lumalabas na mga kaibigan pala niya ang nag post ng mga ito at muling ipinagtanggol ni Dexter ang kaniyang sarili

Kamakailan lamang ay may isang concerned netizen ang nagpaskil ng litrato ng isang babaeng nakaupo sa kalsada.

Sa post ni Dexter Cainap ay humihingi ito ng tulong sa lahat upang matulungan ang babaeng kaniyang nakita na nasiraan umano ng ulo.

"Baka may nakakakilala dito, maayos manamit at maputing babae nasiraan na lang ng ulo dito po yan sa jollibee vito cruzz," ani ni Dexter Cainap sa kaniyang post.


Sa sumunod pang post ni Dexter ay ipinagmalaki pa nito na nakita na raw siya ng kaniyang pamilya at nagpasalamat pa sa mga tumulong, lesson learned umano para raw sa lahat ang nangyari.


Ngunit mabilis na pinabulaanan ng babae sa litrato ang sinasabi ni Dexter Cainap.

Sa katunayan sa kaniyang facebook account ay mabilis niyang sinagot ang mga sinabi ni Dexter at deretsahang sinabing hindi umano siya nasisiraan ng ulo.

"HINDI PO AKO NASIRAAN NG ULO MAKAPOST LANG KUYA DEXTER? INEDIT MO PA POST MO AT HINDI DIN PO AKO INIWAN AT PINABAYAAN NG KAIBIGAN KO AKO PO ANG UMALIS AT LUMAYAS MALI KA PO NG INFO KUYA WAG KANH POST NG POST"
Nilinaw agad ni Jolina Pastrana Albano ang lahat at ipinaliwanag ang totoong nangyari.


Binura na ni Dexter ang naturang post niya, ngunit binura na rin ang post ni Jolina at sa latest update ay nagbahagi ng panibagong saloobin niya si Dexter Cainap.