Mag asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sabay na nagpabakuna, inaanyayahan ang lahat na magpabakuna na rin

- Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Judy Ann Santos ang mga kaganapan sa pagpapabakuna nila

- Kasama niya ang kaniyang asawang si Ryan Agoncillo sa pagpapabakuna

- Inaanyayahan niya ang marami na magpabakuna na rin upang maging ligtas sa sakit na Covid

Nakiisa ang mag asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa isinasagawang pagpapabakuna ng MMDA sa kasapi ng Media and Entertainment.

Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ang Queen of Soap Opera Judy Ann Santos ng mga naging kaganapan sa pagpapabakuna nilang mag asawa.

Sa caption ng kaniyang Instagram post ay inaanyayahan niya ang lahat na magpabakuna na rin upang maging ligtas sa sakit na Covid.

"First jab! pabakuna na po tayo.. para sa mga mahal natin sa buhay at para may panlaban tayo sa bawat strain ng covid.. nakakatakot ang magakaroon ng covid.. mas nakakakampante po ng loob ang pagpapabakuna kesa maniwala sa mga naririnig nating sabi sabi at haka haka sa paligid natin..."

Sama sama na tayong magpabakuna para sa pagbabalik ng kanormalan ng ating buhay at bansa.