Julia Barretto ibinahagi ang larawan ng Lolo niya at ni Ian Veneracion para sa Father's Day

Julia Barretto ibinahagi ang larawan ng Lolo niya at ni Ian Veneracion para sa Father's Day

Julia Barretto ibinahagi ang larawan ng Lolo niya at ni Ian Veneracion para sa Father's Day
- Ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang IG story ang larawan ng kaniyang Lolo

- Maging ang larawan ni Ian Veneracion na gumanap na ama niya sa serye ay ibinahagi nito

- At ang litrato nilang mag-iina ay kaniya ring ibinahagi na tila pagdiriwang nito para sa Father's Day

Sa pagdiriwang ng araw ng mga ama ay nagbabahagi ng kani kanilang mensahe ang lahat para sa kanilang pinaka mamahal na ama.

Hindi na ito bago maging sa mga artista na nagbabahagi ng kanilang mensahe para sa kanilang mga ama.

Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng iba't-ibang litrato si Julia Barretto sa kaniyang IG Stories.

Ibinahagi nito ang larawan nilang dalawa ng kaniyang Lolo, maging ang larawan ng aktor na si Ian Veneracion na siyang tumayong ama niya sa teleseryeng 'A Love to Last'.

At ang panghuli ay ang larawan nilang magkakapatid kasama ang kanilang ina na si Gretchen Barretto.


Ngunit pinagtakahan ng marami ang kawalan niya ng larawan na ibinahagi sa amang si Dennis Padilla.

Matatandaang naging maingay muli ang kanilang relasyon ng magpa interview kamakailan si Dennis Padilla kay Ogie Diaz.

Wala namang ibang caption si Julia Barretto sa mga litratong ibinahagi niya, ang malinaw lamang ay ibinahagi niya ito sa araw ng Father's Day.