Kapatid ni Devon Seron may patama sa mga lumabas na litrato nina Heaven at Kiko Estrada

Kapatid ni Devon Seron may patama sa mga lumabas na litrato nina Heaven at Kiko Estrada

Kapatid ni Devon Seron may patama sa mga lumabas na litrato nina Heaven at Kiko Estrada
- Lumitaw ang mga litrato nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada habang nasa Boracay

- Nagbahagi naman ng ilang makahulugang tweets ang nakatatandang kapatid ni Devon Seron na dating nobya ni Kiko

- "Time is the Ultimate truth teller," ang katagang ibinahagi ng kapatid ni Devon na unang ginamit ni Bea Alonzo

Usap usapan nga ngayon ang paglitaw ng ilang mga litrato nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo habang magkasama sila sa Boracay.

Matatandaan kasing na issue ang dalawa noon habang magkasintahan pa sila Kiko at Devon Seron, pinabulaanan ng kampo ni Heaven ang mga alegasyon sa kanila.

Makaraan ang ilang linggo ay inamin ni Devon Seron na hiwalay na nga sila ng kasintahang si Kiko Estrada, hindi naman nito ipinaliwanag ang nagkng dahilan ng kanilang hiwalayan.

At sa paglitaw ngang ito ng mga litratong magkasama sina Heaven at Kiko ay may panibagong patutsada ang kapatid ni Devon Seron.


Sa kaniyang Instagram at Twitter account ay nagbahagi ito ng mga cryptic post na maaaring maihanay sa paglitaw ng mga litratong ito nina Heaven at Kiko.

"Dami kung resibo lagpas vente. Maitapon nga sa mga basura kaso wala pa ata mga garbage cheapmunks collector," tweet nito.

"The fact that they didn't wait a year imba," isa pang tweet nya kaakibat ang laughing emojis.


Sa isa pang series of tweets niya ay ibinahagi niya ang pamosong linya na una ng ibinahagi ni Bea Alonzo sa gitna ng pag amin nina Gerald Anderson at Julia Barretto ng kanilang relasyon.

"Time is the Ultimate Truth Teller," ang ibinahaging tweet nito.


Sa kasalukuyan ay wala namang ibinabahaging statement sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo sa kung ano ang estado nilang dalawa ngayon, wala ring reaksyon pa si Devon Seron sa paglitaw ng mga litrato ng dati niyang boyfriend.