Angel Locsin ibinahagi ang nakakatawang palpak na online purchase ni Neil Arce

Angel Locsin ibinahagi ang nakakatawang palpak na online purchase ni Neil Arce

Angel Locsin ibinahagi ang nakakatawang palpak na online purchase ni Neil Arce
- Nagbahagi ng isang nakakatawang post ang Kapamilya Actress na si Angel Locsin sa kaniyang Instagram account

- Ibinahagi nito ang litrato ng binili ng kaniyang fiancé na si Neil Arce online

- May caption pa ito na 'palpak' kaakibat ang nakakatawang reaksyon ni Neil

Nagbahagi ng isang nakakatawang post ang Kapamilya Actress na si Angel Locsin sa kaniyang Instagram account ngayong araw.

Sa IG post niya ay ibjnahagi nito ang larawan ng kaniyang fiancé habang hawak hawak ang isang cute at maliit na tasa.

"Nung pumalpak ka sa online purchase mong pinagmamalaki," caption pa ni Angel sa post kaakibat ang hashtag na SalamatNaLang at KapeForDuwende.


Umani ito ng mga nakakatawang reaksyon mula sa netizens kung saan ang iba ay tila naka relate pa sa pangyayari.

"HAHAHAHAHA Kahit kayo din po naisam?"

"Expectation vs Reality"

"Di sya nag iisa. Madami tayo na palpak sa online purchase."

"Relate din ako. Ang laki sa picture nung dumating liit talaga"