Kahit pumanaw na, Larry Gadon pinagmumura si dating Pangulong Noynoy Aquino

Kahit pumanaw na, Larry Gadon pinagmumura si dating Pangulong Noynoy Aquino

Kahit pumanaw na, Larry Gadon pinagmumura si dating Pangulong Noynoy Aquino
- Sa paglabas ng balita ng pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay nagdalamhati ang marami

- Ngunit imbes na kaawaan, Larry Gadon pinagmumura pa si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagpanaw nito

- Pinaratangan niya pa ito ng malisyosong paratang na labag umano sa batas

Ginulat ang bansa ng pagkamatay ni dating Pangulong Noynoy Aquino kahapon ng umaga kung saan kinumpirma ng pamilya nito na Renal disease secondary to diabetes ang dahilan ng pagpanaw niya.

Marami ang nagdalamhati at nagbigay galang sa dating pangulo partikular na ang kalabang partido nito kagaya na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya Aquino.

Ngunit tila hanggang kamatayan ay walang sinasanto ang kilalang abogado na si Larry Gadon na tila naging masaya pa sa nangyari.

Sa kaniyang radio show sa umaga ay ibinalita nito kasama ang tatlong iba pa ang pagkakasugod sa hospital ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

from DWIZ Karambola radio show

"Patay na raw ang **********," ani ni Gadon na minura pa ang pagkamatay ni Noynoy Aquino.

Ikinatawa naman ito ng tatlo pa niyang kasamahan na tila masaya sa natanggap pa nilang balita.


Sa isa pang video clip ay mapapanood ang pagsasabi ni Larry Gadon ng dahilan ng umano'y pagkamatay ng dating pangulo.

"Oo tsaka pero may hiv siya kaya ayun di gumaling... Oo confirmed yun according to my friend na kilalang kilala ang pamilya niya," ani ni Gadon.

Ayon sa netizens ay maaaring maharap sa kaso si Gadon paban sa RA 11166 o Philippine HIV Policy Act, sa paglabas niya ng malisyosong pahayag na ito laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.