Ellie na panganay na anak ni Andi Eigenmann, hinangaan ng netizens dahil sa kasipagan nito

Ellie na panganay na anak ni Andi Eigenmann, hinangaan ng netizens dahil sa kasipagan nito

Ellie na panganay na anak ni Andi Eigenmann, hinangaan ng netizens dahil sa kasipagan nito
- Hinangaan ng Netizens ang pinakitang kasipagan ng panganay na anak ni Andi na si Ellie

- Sa latest vlog na ini upload ni Andi Eigenmann ay napansin ng marami ang pagiging responsableng ate nito

- Mapapanood pa rito ang pagtulong nito sa paglilinis ng sariling bahay at pag alaga kay Lilo

Tunay na kinakahangaan ngayon ang dating artista na si Andi Eigenmann dahil sa naging desisyon nitong lisanin ang showbiz world at mamuhay ng simple lang.

Sa latest vlog na ini upload nito ay lalo siyang kinahangaan ng marami dahil sa magandang pagpapalaki nito sa mga anak, lalo na sa panganay niyang si Ellie.

Sa nasabing vlog kasi ay hinangaan ng netizens ang pagiging masipag sa bahay ni Ellie kung saan mapapanood pa ang paglilinis nito.



Bukod sa kasipagan nito ay nakita rin ng netizens ang pagiging responsableng ate nito sa kaniyang kapatid na si Lilo kung saan tinturuan niyang mag bisikleta.



"Cute ni Ellie nasanay na siya talaga sa simple life," kumento ng netizen.

"Napakasipag ni Ate Ellie, Ate na ate talaga. Di lang sa gawaing bahay pati sa mga siblings niya," ani pa ng isang netizen.

Bukod sa kasipagan ni Ellie ay napanood din sa vlog ang naging selebrasyon ng pamilya para sa Father's Day.

Watch Full here: