Motivational Speaker tinawag na "Bobo" at "Palamunin" ang isang netizen na maayos lamang na nagtatanong

Motivational Speaker tinawag na "Bobo" at "Palamunin" ang isang netizen na maayos lamang na nagtatanong

Motivational Speaker tinawag na "Bobo" at "Palamunin" ang isang netizen na maayos lamang na nagtatanong
- Isang Motivational Speaker ang trending ngayon dahil sa pangmamaliit nito sa isang estudyante

- Sa kaniyang post kasi ay pinuna ng speaker ang mga "Palamunin" at "Reklamador" umano dahil sa kahirapan ngayon

- Isang netizen naman ang nagtanong na kung paano raw ang talagang naghihirap, na siyang tinawag na bobo ng motivational speaker

Trending at Usap-usapan ngayon ang tila pangmamaliit ng isang papasikat pa lamang na Motivational Speaker.

Ito ay si Rendon Labador na bukod sa isang Motivational Speaker ay isang CEO at Gym Instructor din.

Sa pagiging isang Motivational Speaker niya ay madaling mahihinuha na nag mo motivate siya ng kaniyang followers ng kung ano ang tama at dapat ay nag i inspire sa kabataan.

Ngunit matapos na mag post siya ng isang video (now deleted) kung saan nagsasalita siya hingil sa mga palamunin lamang at panay reklamo pa umano sa gobyerno at naghihintay lamang sa Ayuda ay dapat na tumayo sa sarili at siyang tumulong na lang din.

Marami ang sumang ayon ngunit may isang estudyante ang siyang tapat na nagbigay ng senaryo at nagtanong kay Labador.

"Pano po pag wala ka ng kayang ibigay at ang tanging magagawa mo na lang pansamantala ay ang humingi ng tulong?, Hindi po nonsense ang pag puna sa incompetency ng ibang pulitiko." tanong ng netizen sa kaniya.

Ngunit imbes na sagutin ay kinutya pa ito ng naturang Motivational Speaker: "kaya wala kang nararating."


Marami pang followers niya ang sumang-ayon sa naging asal ng naturang Motivational Speaker.

Samantala magalang na nag reply muli ang netizen at sinabing estudyante pa lamang ito: "Hindi pa po ako makakarating dahil nag aaral pa po ako."

Ngunit muling nilait ni Labador ang estudyante at tinawag pa itong 'bobo': "tanggapin mo na bobo ka, nakita ko account mo, Baguhin mo na style mo para mag tagumpay ka."


Naging mahaba pa ang diskusyon nila at isang netizen muli ang naglabas ng kaniyang opinyon hingil sa tila pagiging privilage nito.

Ngunit tinawag agad ni Labador ang netizen na BOBO at sinabing sikat siya dahil matalino siya.


Nasabi na lang muli ng Netizen na "Hindi porke simat ka lagi ka nang tama idol" na siya muling ni replyan ni Labador na BOBO umano ang naturang netizen.


Deleted na ang videos, conversation at page ng naturang Motivational Speaker.

Source: Facebook, Kurt Natahniel Lazaro