Mga babaeng lumimas ng laman ng Community Pantry, balak kasuhan ang nag-video sa kanila?

Mga babaeng lumimas ng laman ng Community Pantry, balak kasuhan ang nag-video sa kanila?

Mga babaeng lumimas ng laman ng Community Pantry, balak kasuhan ang nag-video sa kanila?
- Handa umanong kasuhan ng anim na kababaihan ang mga nasa likod ng video'ng kumakalat ngayon sa Social media

- Hindi raw umano makatarungan ang nakukuha nilang pamba-bash dahil sa pangyayari

- Nais rin umano nilang lumapit kay Raffy Tulfo dahil sa hindi pakikipag-usap sa kanila ng may-ari/organizer ng Community Pantry

Naghayag ng kanilang saloobin ang ilang kababaihan na sangkot sa panlilimas ng lahat ng laman ng isang community pantry.

Ani nila ay nais nilang kasuhan ang siyang nasa likod ng nag video sa kanila habang kumukuha ng laman ng naturang Community Pantry.

Dahil umano sa video ay sunod sunod na pamba-bash at death threat na ang natatanggap nila, ani nila ay wala naman umano silang masamang ginawa.

Wala umano silang ginawang masama, hindi nila ninakaw ang naturang laman ng community pantry lalo pa at may basbas naman umano ng may-ari/organizer ang pagkuha nila sa mga ito.

Samantala, nagpahayag din sila na nais nilang lumapit kay Raffy Tulfo upang maayos na magka-usap umano sila ng may-ari/organizer ng naturang Community Pantry, dahil sa hindi umano nito pakikipag-usap sa kanila.

Gusto umano nilang malinis ang kanilang pangalan ngunit ayaw naman daw silang kausapin ng organizer.

Panoorin ang kabuuan dito: