Camille Pratts napagkamalang si Camille Trinidad na niloko ni Jayzam Manabat

Camille Pratts napagkamalang si Camille Trinidad na niloko ni Jayzam Manabat

Camille Pratts napagkamalang si Camille Trinidad na niloko ni Jayzam Manabat
- Nilinaw ni Camille Pratts ang isang meme/edited photo patungkol sa kaniya

- Nakakatanggap kasi siya ng nga mensahe mula sa netizens

- Iniisip ng iba na siya si Camille na jowa ni Jayzam na kilalang YouTube couple bilang JaMill

Natatawang ibinahagi ni Camille Pratts sa kaniyang facebook page ang isang nakatutuwang pangyayari.

Ito ay matapos na kumalat kasi ang isang conversation umano niya sa isang netizen na nagsasabing i cheer up nito ang sarili sa kabila ng panloloko sa kaniya ng partner niya.


Ang tinutukoy ng naturang meme ay ang YouTube vlogger couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad na kamakailan lamang ay naging laman at usap usapan ng social media dahil sa pambababae umano ni Jayzam.

Matapos kumalat ang naturang meme photo ay lalo pang dumami ang umano'y nagbabahagi ng kanilang mensahe kay Camille Pratts.


Ani pa ng iba ay wag niya na raw umanong patawarin pa ang asawa niyang nanloko sa kaniya.

Agad nga itong nilinaw ni Camille Pratts sa kaniyang facebook page at sinabing: "Hi everyone!!!  Been getting alot of private messages like these (cheering her up)."

"I was also getting tagged and my photo also being posted. 
Just to clarify something that started out as a joke/memethat I think lead to confusion, ibang Camille po iyon.

"The convo on the right was EDITED. I didn't reply to anyone just like the message shown below.
Appreciate your kind messages guys but you got the wrong "Camille"."


Matatandaang usong uso na mula pa noon ang mga ganitong memes kung saan idinadawit ang ka pangalan ng isang personalidad sa isang isyu na hindi naman nila kinabibilangan, tila ata ngayon ay may ibang hindi naka-intidi ng pangyayari.