Grab Rider ng Lugaw video, humihingi ng tulong matapos i-harass ng ilang kalalakihan

Grab Rider ng Lugaw video, humihingi ng tulong matapos i-harass ng ilang kalalakihan

Grab Rider ng Lugaw video, humihingi ng tulong matapos i-harass ng ilang kalalakihan
- Nagbahagi muli ng isang facebook live si Marvin Ignacio hingil sa pagpunta ng tatlong kalalakihan sa kinaroroonan niya

- Agad umanong nag video si Marvin dahil kahinahanala ang nasabing mga kalalakihan

- Dahil sa takot ay hindi napansin ni Marvin na naka mute ang video, at sa huling bahagi na lanang nito na i kwento ang nangyari.

Nagbahagi muli ng isang facebook live video ang Grab Rider na si Marvin Ignacio, ang nasa likod ng pag trending ng Lugaw delivery video.

Sa nasabing video ay mapapanood nga ang tatlong kalalakihan na siyang pumunta umano sa lugawan kung saan nagsisilbing delivery rider si Marvin.

Dahil umano sa takot at kahina hinalang galaw ng mga ito ay agad agad siyang nag video ngunit dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi niya napansing naka mute ito.

Sa huling bahagi ng video na lamang ikinuwento ni Marvin ang mga nangyari sa pagitan nilang lahat.

Ayon kay Marvin ay nagtungo ang tatlong kalalakihan upang ipasara ang lugawan kung saan siya nag de deliver.

Hindi na napigilan ni Marvin na maging emosyonal habang ikinukwento ang pangyayari, ani nito na kinakabahan siya dahil mukha umanong hindi sila opisyal na taga barangay.

Screenshot from Marvin's Live

Binanggit pa ni Marvin na sinabihan umano siya ng isa sa mga ito na siya raw ang dahilan kung bakit muntik wakasan ni Phez Raymundo ang buhay nito matapos mag viral ang video niya.

Nagbahagi pa ng post si Marvin at sinabing: "KAILANGAN KO PO NG TULONG NIYONG LAHAT 😭😭😭 SANA PO MATULUNGAN NIYO AKO/KAMI NANGINGINIG PARIN PO AKO SA TAKOT NA NARAMDAMAN KO."

Marvin's Facebook Post

Panoorin ang buong video dito: