Dahil lang tinawag na "Baby", Buong pamilya ng isang lalaki sinugod at sinaktan ang pamilya ng isang Bakla

Dahil lang tinawag na "Baby", Buong pamilya ng isang lalaki sinugod at sinaktan ang pamilya ng isang Bakla

Dahil lang tinawag na "Baby", Buong pamilya ng isang lalaki sinugod at sinaktan ang pamilya ng isang Bakla
- Ibinahagi ng isang ginang ang pangyayari sa kanilang pamilya matapos itong masaktan sa isang tila rambulan

- Ayon sa kwento ay tinawag lamang ng kapatid nitang bakla ang isang lalaki ng "Baby"

- Matapos nito ay dumating sa kanilang bahay ang buong pamilya ng lalaki at naghamon umano ng away at nagka-rambulan

Malimit na sa ating lahat ang kwento ng pananakit ng ilang kalalakihan sa mga bakla dahil sa itsura at kasarian nila.

Ngunit sa kwentong ito ay tila masyadong malaki ang kabayaran ng dahil lamang sa pagkakatawag ng isang bakla ng "Baby" sa isang lalaki.

Ayon sa salaysay ng netizen na si Rose Mendoza, ay inaamin ng kaniyang kapatid na bakla ang pagkakamali nito sa pagtawag ng "Baby" sa isang lalaking dumaraan lamang sa kanilang bakuran.

Ngunit hindi raw nila inakala na dahil doon ay magkakaroon ng pisikalang awayan sa pagitan ng pamilya nila, kung saan nasabunutan at nasaktan pa ang ilang kamag-anak niya.

"MAY MALI KAPATID KO NA BAKLA SIGE DAHIL SA PAG TAWAG NIYA NA "BABY" SA LALAKING NAKA PUTI NA NAKASANDO. AT HINDI SIYA SINAPAK NG KAPATID KONG LALAKI," pagsisimula ng kwento ni Rose.

"Nitong hapon nakatambay mga kapatid ko sa labas. Nakain sila ng mangga. Dumaan daw itong lalaki nakasando habang nagkakasiyahan sila sa labas. 


"Tapos tinawag ng kapatid kong bakla naka sando na blue na "baby" yang lalaki nakasandong white. Bumalik, at pagkabalik inaambahan na kapatid kong bakla. Kesyo nahaharass na daw siya. Tapos nakita ng kapatid kong lalaki na innambahan si bakla kaya si tinulak nito.

"Ngayon, pinuntahan namin sa baba at humihingin pasensya magulang ko sa nangyari. Kung gusto nio ipa barangay sige ipabarangay kako nila. Pero ayan paglipas ng ilang minuto bumalik at nag sisisigaw na sa harapan namin. At gustong basagin muka ng kapatid ko ng pamilya niyang naka cap na black. Naka gray na damit na babae. Naka dilaw na dalaga babae at naka sando na lalaki. 


"Nanjan lahat ng ibidensya sa ginawa niyo sa pamilya ko. Hindi lumaban kapatid kong bakla sa ginawa nio. Dahil alam namin maagrabyado kami dahil lalaki padin siya. Pero yung pagtulungan niyo. Itulak niyo nanay ko. Sabunutan mga kapatid ko nasaktan niyo mga pamangkin ko nasaktan niyo+ at halos gusto niyo basagin ang koche ko hindi makatarungan ginawa niyo. 

"Di namin palalampasin to! Yung trauma na binigay niyo sa anak ko sa mga pamangkin ko mga hayooop kayo! Grabe ginawa niyo samin.


"Wala kami kasalanan sainyo! Ni hindi kami nakikihalubilo sa ibang tao!
Nakiusap pa kami sainyo na sa brgy. Nalang.
Sasabihin nio may nang sisitsit daw na lalaki sa bahay namin sa babaeng naka dilaw. Eh puro kami babae sa bahay. Ang lalaki don kapatid ko lang na may anak at asawa tska yung mga pamangkin ko. 

"Napaka galing niyo gumawa ng storya! Di namin kayo kilala. At wala kaming pakialam sainyo sa ginawa nio samin napaka niyo!! 😭 wala kaming laban sainyo puro lalake kayo."

Ayon pa sa dagdag impormasyon ni Rose makaraan ng pangyayari ay ipina barangay sila ng naturang pamilya, matapos nito ay dumirecho na sila ng Police Station upang magsumbong sa pangyayari at nagpa-medical narin, humihingi ngayon ang pamilya nila ng payo/tulong sa kung ano ang dapat nilang susunod na gawin.

Panoorin ang video: