Matapos ang kontrobersiya, Super Tekla inuulan ng swerte, nakabili na ng sariling lupa't bahay

Matapos ang kontrobersiya, Super Tekla inuulan ng swerte, nakabili na ng sariling lupa't bahay

Matapos ang kontrobersiya, Super Tekla inuulan ng swerte, nakabili na ng sariling lupa't bahay
Kumedyanteng si Super Tekla masayang ibinahagi ang magandang balita na kaniyang natamasa.

Matapos nga ang masalimuot at kabi kabilang kontrobersiya na kinaharap ng kumedyanteng si Super Tekla kaugnay ng umano'y pag mamaltrato niya sa kaniyang ka live in partner na si Michelle, ay nagbabalik ito hatid ang magandang balita.

Nauna ng napatunayan ni Tekla na inosente siya sa mga ipinaratang sa kaniya ng kanyang ka live in partner at sa huli ay napatawad niya ito alang alang sa kanilang anak.

Sa mga pangyayaring ito ay tila nga dumami pa ang blessings na tinatanggap ni Tekla.

Sa kanilang latest Vlog ng kaniyang vlogging partner na si Donita Nose ay ibinahagi nila ang pagbili at pagpapasilip sa bagong bagong lupa't bahay na siyang nabili ni Super Tekla para sa sarili.



Nauna ng nakabili ng bahay niya si Donita Nose bilang bahagi ng selebrasyon nila ng 2.5Million Subscribers nila sa YouTube na siya ring ipinakita nila sa netizens.

At ngayon nga sa kanilang latest vlog ay si Super Tekla naman ang nagpasilip ng kaniyang bagong biling bahay.



Dito isiniwalat ni Super Tekla na nakaramdam umano siya ng inggit ng ginawa nila ang house tour sa bagong biling bahay ni Donita.



"Nainggit ako na natutuwa, kaya nag pursige rin ako na bumili ng sariling bahay," paliwanag ni Super Tekla.

Marami nga ang pumuri sa kanilang dalawa dahil na rin sa nakakatuwa at nakaka goodvibes na vlog nilang dalawa.



Kaya nga ani ng mga netizens na deserved na deserve daw nila ito lalo pa ni Tekla na matapos kaharapin ang isang hamon sa kaniyang buhay ay lumaban ito at nagpursige para sa ika uunlad ng sarili.