Lani Misalucha emosyonal na humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

Lani Misalucha emosyonal na humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

Lani Misalucha emosyonal na humingi ng tulong kay Raffy Tulfo
Emosyonal nga na dumulog ang batikang singer na si Lani Misalucha sa programa ni Raffy Tulfo na "Raffy Tulfo in Action".

Sa February 01 2021 episode ng RTIA ay dumulog si Lani kay Raffy upang humingi ng tulong sa problemang kaniyang kinakaharap.

Sa kaniyang pagsasalaysay ay niloko umano siya ng isang book agent na buong loob niyang pinagkatiwalaan.



Nakamkam umano sa kaniya ng nasabing book agent ang higit kumulang P100,000.

Naibahagi rin niya na ang halagang nakuha sa kanya ay sa pamamagitan ng "Gems" na mula sa isang App na kaniyang kinita.

“Nasa ospital kami noon [nang] tinawagan niya ako. Sabi niya, ‘Ate, kung gusto mo, ipu-pull out ko na yung mga beans sa Bigo… I-convert na natin sa cash and ilagay na natin sa bangko mo.’ Sabi ko, ‘Sige!’ 2021 na ngayon, wala pa rin yung beans na yun na kinuha niya,” sabi ni Misalucha.

“Pinag-research ko yung iba kong mga kaibigan, within 5 days or 1 week, maco-convert naman pala yung cash ng ganon kadali lang… Anong nangyari? 2021 na! Wala ako ni-singkong duling na natanggap,” dagdag pa niya.

Sa huling bahagi ng kaniyang pakikipanayam kay Raffy ay lumuha pa ito dahil nag offer si Raffy ng pera na katumbas ng nanakaw sa kaniya bilang tulong umano sa kaniya.

Kasalukuyan ngayong nagpapagaling si Lani Misalucha dahil sa sakit niyang bacterial meningitis.