Ivana Alawi, ikinuwento ang panduduro at paninigaw sa kaniya noon ng isang TV Host

Ivana Alawi, ikinuwento ang panduduro at paninigaw sa kaniya noon ng isang TV Host

Ivana Alawi, ikinuwento ang panduduro at paninigaw sa kaniya noon ng isang TV Host
Si Ivana Alawi nga ngayon ang isa sa kinikilalang biggest vlogger ng pinas dahil sa milyun milyong followers nito sa YouTube.

Sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi nito ang isang kwento na hindi niya umano makakalimutan.

Sumabak si Ivana sa “Sagot O Lagot” challenge kung saan may mga itatanong sa kanya sa game. Pwede niya itong sagutin pero kung ayaw niya kailangang pumili siya sa mga “exotic food” na nasa kanyang harapan bilang parusa.

Isa nga sa mga tanong sa kanya ay kung may nakaaway na ba siyang artista, “Wala akong nakaaway. May nang-away sa akin. Lagi ko siyang pinapanood nu’ng bata ako, kaya idol na idol ko siya noon.

“Pero ako, never akong nakipag-away sa kahit sinong artista, kasi kailangan mong rumespeto at kailangan mong makisama sa showbiz world,” simulang kwento nito.

Ipinaliwanag ni Ivana na nangyari ang insidente noong nag guest siya sa isang show upang i promote ang dati'y teleseryeng kinabibilangan niya na 'Sino ang May Sala: Mea Culpa'.



Nandu'n ako sa Sino ang May Sala, 'tapos nagkaroon ako ng parang guesting, doon 'yun sa may ABS."

"Nagti-taping, 'tapos nakaupo lang ako sa dressing room. Marami kami doon, kasi parang sama-sama kami sa dressing room na 'yon."

"So, yung kasama kong PA [personal assistant] lumabas siya, kasi hindi na siya kasya du'n sa dressing room namin."

"And kailangan lagi siyang malapit sa akin kasi, siyempre, kapag may kailangan ako, kapag magbibihis, 'yung mga ganu'n…"



"Lumabas siya 'tapos may nakita siyang upuan doon sa labas."

"Nagpaalam naman siya du'n sa tao sa loob. Sabi niya, 'Pwede bang makiupo lang…' para malapit siya sa akin. As in tapat lang kasi siya."

"So, sabi nu'ng tao, 'Oo naman. Sige, upo ka.' So, umupo lang siya du'n."

"Hindi pa kami nagsisimula nito, so nag-antay lang ako doon. Nakaupo ako du'n."

"Biglang may sumugod na batikang host and then sumugod siya."

"Nu'ng nakita ko, parang napangiti ako. 'Tapos parang pinagsisigawan niya ako du'n sa dressing room, sa harap ng ibang artista. Parang sabi ko, 'Hala!'"

"Sabi niya, 'You, why are you…. your person is in my room, ha! Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos!' Ang dami niyang sinabi."

"Tapos parang naaalala ko yu'ng reaction ko noon, 'Sorry po, sorry po.' As in sorry ako nang sorry."

"Tapos sobrang naano kasi parang sa harap ng ibang artists. Sobrang pinapahiya ako, as in..".

"Ako 'yung inaway and then, hiyang-hiya ako noon. Umiyak ako, 'tapos tumawag ako kay Mama."

“Pero siyempre, you still have to show respect and you still have to be professional. Sana ano na lang, kinausap na lang niya ako na, ‘Uy, Ivana, alam kong bago ka sa ganito. Pero bawal ‘yang ganyan.’

Sa huli sinabi rin naman ni Ivana na wala siyang sama ng loob dito lalo pa at nakapag moved on na raw siya sa insidente, hindi man niya ito pinangalanan ay nagbigay siya ng clue na nagsisimula umano sa M ang pangalan ng naturang TV Host.