Gusto ng magkaroon ng anak!, Julia Barretto handa na raw magka pamilya habang bata pa siya

Gusto ng magkaroon ng anak!, Julia Barretto handa na raw magka pamilya habang bata pa siya

Gusto ng magkaroon ng anak!, Julia Barretto handa na raw magka pamilya habang bata pa siya
Habang bata pa lamang sya ay nais na raw ni Julia Barretto na magkaroon siya ng sariling pamilya.

Ito nga ang ibininyag ni Julia sa isang podcast show ng businesswoman na si Angely Dub sa show na "Life in Progress", ani ni Julia na plano niya na raw ito ngunit dahil sa pandemya ay na diskaril ito.

Sa nasabing show ay tinanong ni Angely si Julia kung paano nito nakikita ang sarili makalipas ang isang taon.

“That’s another question I’m not sure if… because our life is so unpredictable now,” sagot ni Julia.

“If I’m being completely honest kasi, I’ve always dreamt of having a family early on in life.

“Like, that was always my thing growing up. I always wanted to have a family at a young age.

"Because I want to have a lot of time, and I wanted to grow together with my family that I have made.”


Isiniwalat nga ni Julia na nais niya na habang bata pa lamang sya ay magkaroon sya ng maraming oras sa kaniyang pamilya.

Pangarap umano niyang maging isang may bahay na kaya pa ring gawin ang lahat dahil nga sa hindi pa naman sya katandaan kung mangyari ito.

“I dream to become a housewife, but a housewife that’s like a boss-housewife.


“Like, you got your own work going on, but your number one priority is [kids and family].”

Sa kasalukuyan nga ay iniuugnay siya sa kapamilya aktor Gerald Anderson matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Kamakailan ay lalong umugong ang kanilang lihim na relasyon matapos na kumalat sa social media ang ilang mga litrato na pagpapatunay na magkasama silang dalawa sa ilang mga lugar.

Handa na nga kayang bumuo ng pamilya si Julia Barretto sa kaniyang rumored boyfriend ngayon na si Gerald Anderson?