Wally Bayola, inaming nag positibo sa Covid dahil sa hindi nya pag iingat.

Wally Bayola, inaming nag positibo sa Covid dahil sa hindi nya pag iingat.

Wally Bayola, inaming nag positibo sa Covid dahil sa hindi nya pag iingat.
Sa nakalipas na Hit segment ng Noontime Show na Eat Bulaga na "Bawal Judgemental" ay inamin nina Wally Bayola at Allan K ang pagkaka positibo nila sa Covid-19.

Sa nasabing segment ay kasali sina Wally at Allan kasama pa ang apat na iba, at dito inamin ni Wally Bayola na nakuha nya ang sakit dahil sa hindi pag iingat at hindi pag se seryoso hingil sa Safety Protocols na pinaiiral.



“Parang nakalimutan ko mag-vitamins for one week. parang relax relax lang. Tapos masyado akong naging paniwalain dun sa mga nakikita ko minsan sa social media na wala namang COVID, hindi naman totoong may COVID, ganyan.", Pag amin nito.

"So parang nadala ako, hindi na ako nag-ma-mask. Parang napagod na ako mag-mask, napagod na ako mag-face shield. Kaya minsan pag pauwi, may magpapa-picture, nagtatanggal pa ako ng mask at face shield, dikit pa talaga." Dagdag pa nito.

"So parang na-relax ako. Hindi ako nag-ingat kasi parang nag naging mentalidad ko wala namang COVID,” sabi pa nito.

Ibinahagi rin ni Wally na sa loob ng Limang araw ay nanatili sya sa Ospital at ang kung paano nya nasabing positibo sya sa sakit na Covid; “Sabi ko sa mama ko,  ako mag aalalaga sa ‘yo huwag kang malungkot. Huwag kang iiyak. Biglang ako yung mawawala,”

Ipinaalala naman ni Wally sa lahat na wag baliwalain ang sakit na Covid-19 at tiyakin sundin ang mga Safety Protocols na pinaiiral ng ating Gobyerno.

“Huwag tayo maging relaxed. ‘Wag natin isipin na wala yan, gawa gawa lang yan. Hindi po. Kasi nangyari sa akin,” pagbabahagi nya.

Sa kasalukuyan ay Negatibo na si Wally at napagtagumpayan ang nasabing sakit.