Luis Manzano at Jessy Mendiola, Engaged na!

Luis Manzano at Jessy Mendiola, Engaged na!

Luis Manzano at Jessy Mendiola, Engaged na!
Opisyal na ngang inanunsyo ng Long time mag Jowa na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang pagkaka Engaged sa isa't-isa.



Sa kanyang Instagram Account ibinahagi ni Jessy Mendiola ang lirato nilang dalawa ni Luis Manzano na may caption na; "Yes" na may Heart emoji at hashtag na JessGotLucky.




 Sa kanya namang Instagram Account ay ibinahagi rin ni Luis Manzano ang magandang balita na may compilation pa ng mga litrato ng kaganapan kung saan nag Yes si Jessy sa tanong ni Luis.

May caption naman anh post na ito ni Luis ng "TheHowHows" na may kasamang dalawang Heart emoji at kasama ang hashtag din na JessGotLucky.




Hindi naman nagpahuli sa pagkumento ng kanilang mga Congratulations Message ang ilang malalaking artista sa kanila.

Kabilang na dito sina Vice Ganda, na nagkomento ng; "O loko! Ayan naaaaaaa!!! Congrats !".

Maging ang malapit na kaibigan ni Luis na si Alex Gonzaga ay hindi rin nagpahuli at nag kumento ng may halong pang aasar na matagal na nilang gawain; "Congrats and mabuhay helmet ni Jessy".



Ilan pang kilalang artista ang nag kumento kagaya na lamang nina Vhong Navarro, Heart Evangelista, Marian Rivera, Jodi Sta. Maria, Carla Abellana at marami pang iba.