Pangako Sa 'Yo Original turns 20 this Year, Napanood nyo ba ito?

Pangako Sa 'Yo Original turns 20 this Year, Napanood nyo ba ito?

Pangako Sa 'Yo Original turns 20 this Year, Napanood nyo ba ito?
Ngayong taon nga ay mahigit sa 20 Taon na ang nakakalipas ng isinilang ang tinaguriang kauna unahang Soap Opera na nagsilang sa mga Teleseryes.

Ito ay ang Pangako Sa 'Yo na pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.




Una itong umere sa ABS-CBN noong November 13 2000 para sa 7PM Primetime Schedule at magmula nun ay naging bahagi na to ng gabi gabing buhay ng bawat Pilipino.

Noong magsimula ang Pangako Sa 'Yo ay 21 years old na si Jericho Rosales, samantalang 17 years old pa lamang si Kristine Hermosa ng magsimula ito.

Alam nyo bang kabilang ang Pangako Sa 'Yo bilang isa sa may pinaka mataas na TV Ratings na naitala sa kasaysayan ng Philippine Television?, Nakamit nito ang higit sa 64.9% TV Ratings noong taong 2002.



Umabot sa mahigit 476 Episodes ang naabot ng nasabing Teleserye dahil na rin sa mataas na ratings na naabot nito noon.

Ipinalabas rin ang Pangako Sa 'Yo sa mahigit 14 na bansa kagaya na lamang ng; Malaysia, Singapore, Indonesia, Cambodia, Thailand, Kenya, Ghana, Cameroon, Tanzania, Namibia, Zambia, Botswana, Uganda.

Sa bansang China ng ipinalabas ito ay humakot ito ng mahigit sa 1.3 Billion viewers at inukopa ang ikalawang pwesto bilang pinakapinanood na Programa sa China noong panahong umeere ito.

At noong taong 2013 bago pa man ito i remake muli ng ABS-CBN ay nabili ng Cambodian Television Network ang rights upang makagawa sila ng kanilang sariling bersyon, dahil na rin sa pagiging successful nito sa kanilang bansa.

Naging Successful din ang nasabing remake na may titulong "The Promise" at nakabuo ng higit sa 198 Episodes.