Nancy of Momoland, Full Support kay Kapamilya Star Charlie Dizon sa pelikula nito

Nancy of Momoland, Full Support kay Kapamilya Star Charlie Dizon sa pelikula nito

Nancy of Momoland, Full Support kay Kapamilya Star Charlie Dizon sa pelikula nito
Lingid sa kaalaman ng nakararami ay naging magkaibigan nga ang sikat na Kpop Star na si Nancy Jewel Mcdonie ng KPop group na Momoland at Kapamilya Star Charlie Dizon.

Sa kanya ngang Instagram Account ibinahagi ni Nancy Jewel ang litrato nilang dalawa ni Charlie.

"My Filipina Bestfriend Charlie Dizon is starring in the movie 'Fan Girl' You can get ypur tickets now", ani ni Nancy kaakibat ang litrato nila sa Insta Story nito.



Inanyayahan nga ni Nancy ang kanyang Filipino Fans na suportahan ang kanyang matalik na kaibigan sa Upcoming Films nito.

"I'm so excited!! Can't wait to watch this ♥️♥️", dagdag pa ni Nancy.




Ang tinutukoy ni Nancy ay ang MMFF Entry Film ng Black Sheep na "Fan Girl" na pinagbibidahan ni Paulo Avelino at Charlie Dizon na mapapanood na ngayong December 25 via Online.

Bukod pa nga rito ay ibinahagi rin ng KPop Star na si Nancy ang isa pang pelikula ni Charlie na "Four Sisters Before the Wedding" na syang sequel ng hit movie na "Four Sisters and A Wedding".

"And Yes another movie!! Four Sisters Before the Wedding is showing on December 11!! Don't miss out" sabi pa ni Nancy.



Naibahagi ni Charlie noon na nagkasama na sila ni Nancy Jewel ng magkasabay sila ng training sa isang Korean Talent Agency 7 years ago, ngunit dahil nagka problema sa kanyang Working Papers ay hindi nya na ipinag patuloy pa ang nasabing pagti training.