Maine Mendoza, hindi napigilang maglabas ng galit sa Pulis na pumatay sa Mag inang Gregorio

Maine Mendoza, hindi napigilang maglabas ng galit sa Pulis na pumatay sa Mag inang Gregorio

Maine Mendoza, hindi napigilang maglabas ng galit sa Pulis na pumatay sa Mag inang Gregorio
Trending at pumaimbulog ngang talaga sa lahat ng sulok ng Social Media ang pangyayari patungkol sa Pulis na pumatay sa mag ina sa Tarlac.

Hindi napigilang magbulalas ng kaniyang galit ang Eat Bulaga TV Host/Actress na si Maine Mendoza dahil sa pangyayari.

Binaril kasi ng isang Pulis na nagngangalang Jonel Nuesca ang mag inang sina Sonya Gregorio at Frank Anton Gregorio matapos ang hindi pagkaka unawaan patungkol sa ingay na dulot ng paputok na Boga ni Frank.

Sa kanyang Twitter Account ay ibinahagi nya ang kanyang saloobin hingil sa pangyayari sa ilang tweets niya.

"BAKIT KAILANGANG UMABOT DOON?", panimula niya na punong puno ng pagkadismaya sa pangyayari.

"Hindi ko kaya, grabe, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo?"

"Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio.", Sabi nito na may kaakibat pang hashtag STOPTHEKILLINGS.



Sa mga sumunod pang tweets ni Mendoza ay ibinahagi niya ang screenshot ng Facebook Account ni Jonel Nuesca na may pangalang Jon Mon Nue.

"“Di” dapat yan, hindi Jon. P*ta." Sabi nito na may hashtags STOPTHEKILLINGSPH at EndPoliceBrutality, pagpapahayag na "Di Mon Nue" dapat ang pangalan nito sa Facebook na maihahalintulad sa Demonyo.



Sa isa pang tweet ay ibinahagi pa muli nito ang sakit na kanyang nadarama dahil sa balitang ito.

"Bihira nalang magcheck ng Twitter, yun pa talaga bubungad sayo. Ang sakit talaga sa puso..." tweet niya kaakibat muli ang mga hashtags na STOPTHEKILLINGSPH at EndPoliceBrutality.



Sa kasalukuyan namang balita ay sumuko na rin sa otoridad ang pulis na si Jonel Nuesca at nahaharap sa kasong Double Murder.