Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, Engaged na!

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, Engaged na!

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, Engaged na!
Kumpirmado na nga!, Mag Longtime Partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo Engaged na.

Sa kani kanilang Instagram Account ay magkahiwalay na ibinahagi ng dalawa ang masayang balita patungkol sa kanilang relasyon.



Sa Instagram Post ni Andi Eigenmann ay ibinahagi nito ang litrato nilang dalawa habang nasa karagatan at ipinakikita ang singsing na simbolo ng pagpayag ni Andi.

"I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more.", Panimula ni Andi sa kanyang post.

"Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal!"

Samantala ibinahagi naman ni Philmar ang litrato na mismo ng kanilang magkahawak kamay na dalawa.

"She said YES! I love you so much. So happy to spend the rest of my life with you.", ani nito na kakikitaan ng kagalakan.

Ibinahagi rin ni Pilmar ang kanyang mga pangako lalo pa at inaabangan na rin nila ang ikatlong baby ng kanilang masayang pamilya.

"Promise to take care of you, ellie, Lilo and our coming baby number 3 and to make you laugh more and more everyday. Together hinay hinajan nato maabot an ato mga pangandoy sa ato kinabuhe para sa ato pamilya. Mahal ko kamo karajaw gikan sa tibook nako kasing2." 💞"



Matatandaang makailang beses na ring nag trending sa Social Media ang couple na ito dahil na rin sa mapayapa at payak na pamumuhay na napili nila.

Mula sa isang Sopistikadong pamumuhay dito sa Manila at pagiging Sikat na Aktres ay pinili ni Andi na iwanan ang lahat ng ito at mamuhay kasama ni Philmar sa mala paraisong isla ng Siargao.

Congratulations Soon to be Mr. And Mrs. Alipayo 👏.