Isabelle Daza, sinagot ang netizen na tinawag na Gay ang kanyang batang anak

Isabelle Daza, sinagot ang netizen na tinawag na Gay ang kanyang batang anak

Isabelle Daza, sinagot ang netizen na tinawag na Gay ang kanyang batang anak
Sa pagpasok nga ng makabagong teknolohiya ay ang pagiging mas malapit ng mga Fans sa kanilang iniidolong artista.

Sa pamamagitan ng Facebook, Twitter at Instagram ay mas madaling naihahayag ng mga fans ang kanilang saloobin sa kanilang iniidolong artista dahil ilang click lamang ay abot kamay na nila ito.

Ngunit sa kabila ng magandang bagay na ito upang mas maging malapit ang mga Artista sa kanilang mga fans ay kaakibat din ang pagiging malaya ng bashers upang ilabas naman ang kanilang pagka ingit dito.

Hindi nga nakatakas sa pamba bash ang aktres na si Isabelle Daza, hindi lamang siya kundi maging ang kanyang anak ay nadamay sa pagiging matabil ng dila ng isang basher.

from Isabelle Daza's Instagram Account

Sa Instagram Story ni Isabelle ay ibinahagi nito ang naging usapan niya at ng basher patungkol sa sekswalidad ng anak nito na si Balthazar Gabriel Semblat na dalawang taong gulang pa lamang.

from Isabelle Daza's Instagram Account

"he's a gay???? what a disgrace", ani ng walang hiyang basher.

Sinagot naman ito ni Isabelle ng "Im sad it for your family who has to put up with your values".

Ngunit tila hindi nagpatinag ang nasabing basher at ipinagpatuloy pa nito ang pakiki-alam sa sekswalidad ng bata at sinabihan pa nito si Isabelle huwag daw itolerate ang bata at pagbasehan dapat daw nito ang bibliya.

"lol, Try to base biblically, don't tolerate your kid to be something that he is not supposed to be." Sunod sunod na sabi nito.

At tila ang basher na ata ang pinaka banal sa lahat ng tao sa pinas, at proud na proud pa sa sarili na may point daw ang lahat ng kanyang sinasabi.

"you just feel bad. I get it but come on. I have a point, truth hurts anyway," sabi nito na may kasama pang haha emoji na tila nang aasar pa.

Ngunit may poised at may galang pa rin na ni replyan ni Isabelle ang walang hiya at pakialamerong basher na ito.

"If my son was gay it wouldn't make a difference. And im prettt sure God wouldn't mind either."

from Isabelle Daza's Instagram Story

Hindi na ipinakita pa ni Isabelle ang sumunod na usapan nilang dalawa, ngunit sana'y nagtanda na ang nasabing basher.