Nagsisinungaling si Michelle!, Super Tekla dineny ang pang aabuso nya umano sa Asawa

Nagsisinungaling si Michelle!, Super Tekla dineny ang pang aabuso nya umano sa Asawa

Nagsisinungaling si Michelle!, Super Tekla dineny ang pang aabuso nya umano sa Asawa
- New Raffy Tulfo in Action Episode inilabas!, Kampo ni Tekla nagsalita na

- Mga malalapit na kaibigan ni Tekla, nagsalita upang pasinungalingan si Michelle

- Michelle pinanindigan ang kanyang mga naunang paratang!, Tuloy ang kaso

- Donita Nose at Ogie Diaz, nagbahagi ng saloobin sa totoong lagay ng relasyon nina Michelle at Tekla

Sa panibagong Episode ng Raffy Tulfo in Action ay muling nagbalik si Michelle upang kaharapin naman ang mga sagot ng kampo ni Super Tekla.

Sa nasabing episode ay nagsalita ang matalik na kaibigan ni Tekla na si Donita Nose, aniya ay dine deny umano ni Tekla ang mga nauna ng paratang ni Michelle.

Kinuwestiyon din ni Donita Nose na kung matagal na raw may lamat ang kanilang pagsasama ay bakit tumagal pa sa higit na Apat na taon ang kanilang pagsasama.

"Nag iimbento lang sya!", Mariing sinabi nito kay Michelle na gawa gawa nya lamang daw ang isyu laban kay Tekla.

Sa nasabing episode rin ay na reveal na kapwa sina Tekla at Michelle ay pareho palang nalulong sa mga ipinagbabawal na gamot.

Ayon pa kay Donita ay si Tekla ang gumagastos talaga ng para sa pamilya nila, maging umano gastusin ng kapatid ni Michelle ay si Tekla rin ang nagbibigay.

Para kay Donita, planado umano ang kanilang video na inilabas ni Michelle upang pagmukhaing masama si Tekla.

"Di ko alam kung ano nakain niya, pero hindi totoo yung mga sinasabi niya.", Ito naman ang nabahagi ni Ogie Diaz.

Ayon kay Ogie nakausap nya si Tekla ng personal at pinasisinungalingan nya lahat ng paratang sa kanya ni Michelle.

Samantala pinandingan naman ni Michelle ang mga akusasyon nya laban kay Tekla, aniya matagal na raw na ganito ang ugali ni Tekla sa kanya ngunit pinag papasensiyahan nya lamang ito dahil Mahal nya si Tekla.

Gusto nyang ituloy ang Kaso at tuluyang makulong si Tekla upang pagbayaran umano ang masasamang ginawa nito sa kanya.