Batang nagtitinda ng Sampaguita, Trending dahil sa mala Prinsesang Kagandahan

Batang nagtitinda ng Sampaguita, Trending dahil sa mala Prinsesang Kagandahan

Batang nagtitinda ng Sampaguita, Trending dahil sa mala Prinsesang Kagandahan
Trending at Usap usapan ngayon sa Social Media ang isang batang nagtitinda ng Sampaguita.

Sa Facebook Post ng Netizen na si Honey RJ Balasabas ay nagbahagi sya ng kanyang na encounter sa kalsada habang sila ay nagmamaneho.

Kapansin pansin umano sa kanilang paningin ang isang batang babae na nagtitinda o nag aalok ng Sampaguita sa kanila.

Sa mga larawang ipinakita pa niya ay totoo ngang nangingibabaw ang kagandahan ng batang ito.

Narito ang kwento ni Honey Balasabas sa kanyang Facebook Post:

Habang naka stop kami and ako napaka busy naman kaka FACEBOOK, bigla nagsalita asawa ko.

ONNIE: Nay, tingin ka dali. Napaka ganda ng batang yan. Yung papalapit.

Medyo naintriga ako kasi si Onnie napaka dalang magsabi ng maganda. Ako lang ata maganda for him and si Angel Locsin pala. Kami lang dalawa. 🤣😆

Pag tingin ko hindi ko sya maaninag masyado kase madilim. And I don't have glasses on. So Onnie opened the window. At nakita ko nga sya. Napaka gandang bata. Alam ko napansin nya na I was taking photos of her pero hindi din sya tumitingin sa akin. So i overheard convo nila habang inaabot ang 100 pesos.

ONNIE: Wag mo na ibigay ang sampaguita, benta mo nlng ulit.

SAMPAGUITA GIRL: Okay lang po. Kunin nyo na para makauwi na ako.

And bigla na sya tumalikod. 

(Pa flex lang  tatay namin 😊 Si Onnie talaga nakakaproud dahil napaka maka taong lansangan nya. Maniwala kayo sa hindi nakaka 20-100 lahat ng mangangatok sa window nya. Walang palya yan.)

So, dahil hindi pa din ako maka get over sa napaka pretty na bata. I asked Onnie ilang times na nya nakita. Naka ilang times na din daw. Minsan 11pm daw na pauwi sya andoon pa rin ang bata. May ulan or wala. Nasa kalsada daw. Parang na takot naman ako bigla for her. Ang dami loko loko kase tapos nasa kalsada pa sya ng ganoong oras.

So kanina, need ulit namin mag punta sa Cavite for my mother-in-law's huling lamay. Mas maaga kame compared last night na almost 9:30pm na kame nakaalis sa bahay(Antipolo).

We saw her again, at naaninag ko nga sya ulit. Napakaganda nga nya pala talaga. Pero dahil very shy sya. Hindi ko na sya natanong pero I told her pictureran ko sya dahil napaka pretty nya. And she smiled. This time hindi nya na binigay sa amin ang sampaguita after giving her 100php. Alam na nya na matic na yun. Hindi namin kinukuha kase si Onnie hindi nya masyado gusto smell ng sampaguita. Masyado daw mabango 😊

I can only pray na sana may family pa sya na gumagabay sa kanya. Hindi kase natin alam baka sa malayo ay naka bantay naman Mama or Papa nya. Na sana may bahay syang inuuwian after magbenta ng sampaguita. Na sana safe sya parati sa lansangan. Na wala sanang masasamang tao na mag tatake advantage sa kanya.

God bless you little girl! 😘🙏❤️

Umani na nga ang nasabing post ng higit sa 33,000+ Shares at 84,000+ Reactions mula sa mga Netizens.

All Photos and Post credit to Miss Honey RJ Balasabas.