Muling pinatunayan ni Heart Evangelista ang kanyang effortless chic style sa Paris Fashion Week (PFW) ngayong taon, kung saan inaabangan ng mga international photographers, fashion insiders, at enthusiasts ang bawat street style moment niya sa Paris.
Bilang isang global fashion icon, kilala si Heart sa kanyang signature style na edgy, sophisticated, at feminine—palaging may "wow factor." Hindi na bago na kapag dumalo siya sa runway shows o fashion events, nagkukumpulan ang mga photographers at fans upang masilayan ang kanyang mga curated looks.
Ngayong season, namataan si Heart na suot ang mga obra mula sa top fashion houses gaya ng Schiaparelli, Off-White, Mugler, Hermes, Lacoste, Lanvin, Isabel Marant, Courrèges, Georges Hobeika, Onitsuka Tiger, Elie Saab, Zimmermann, Akris, at Acne Studios. Trending din sa social media ang kanyang “fashion-serye,” kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga outfit at fashion week experiences sa pamamagitan ng videos at photo posts na umaabot sa milyun-milyong views at reactions.
Dahil sa mataas niyang Media Impact Value (MIV) at Earned Media Value (EMV), patuloy siyang iniimbitahan ng international brands sa collaborations, na nagpapalawak sa kanilang digital reach at global presence. Madalas ding i-feature ng mga international fashion publications ang kanyang street style at runway appearances.
Hindi lang brands at publications ang humahanga kay Heart—pati mga netizens at fans ay patuloy na nagpapakita ng suporta sa social media. Marami ang pumupuri sa kanyang fashion sense, authenticity, at kabaitan, gaya ng isang fan na nagsabing: “Thank you @iamhearte for being so approachable and kind… Your grace, humility, and warmth truly stand out.”
Bukod sa PFW, kamakailan ay ibinahagi rin ni Heart ang behind-the-scenes ng kanyang video ad shoot para sa Mugler Fragrances. Ang kanyang ikalawang campaign para sa brand ay para sa Angel Stellar at Angel Nova, na inilunsad nitong Pebrero. Nauna na siyang naging mukha ng Angel Fantasm eau de parfum noong nakaraang taon. Noong March 2025, opisyal siyang in-announce bilang Southeast Asia ambassador ng Mugler.
Highlight din sa kanyang European stint ang Mugler campaign shoot at ang pagbalik-telebisyon niya sa “Heart World” na ngayon ay umeere tuwing Sabado ng gabi sa GMA.
Sa lahat ng ito, patuloy na pinapatunayan ni Heart Evangelista na hindi lamang siya fashion personality—isa siyang Filipina na mahalagang boses sa global style scene, patuloy na dinadala ang Philippine presence sa pinakamalalaking fashion capitals ng mundo.