Tuloy-tuloy ang trabaho at international recognition para sa fashion icon at entrepreneur na si Heart Evangelista. Isa nanamang patunay ng kanyang fashion influence ang naging highlight sa social media nitong linggo—mula sa viral na Paraiba Tourmaline ring hanggang sa kanyang makasaysayang collaboration sa Italian design house na Fornasetti.
Sa kanyang Instagram (IG), muling pinatunayan ni Heart ang pagiging on point pagdating sa fashion. Ibinahagi niya ang IG story ng Paris-based photographer na si Juan Padilla, na nagpakita ng exclusive behind-the-scenes ng unang collaboration sa pagitan ni Heart at ng sikat na Italian design house, Fornasetti. Makikita sa post ang eleganteng interior ng Casa Fornasetti, tampok ang mga antique na salamin at art pieces, habang nakapictorial si Heart sa gitna ng artistic at luxurious setup.
Ayon kay Padilla, ang koleksyong Heart x Fornasetti ay binubuo ng limited series of 200 plates, 100 cups, at 100 coasters—lahat ay hand-painted at may kasamang Filipino artistry at Italian surrealism. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Fornasetti ay nakipag-collaborate sa isang celebrity at nagbukas ng kanilang pintuan para sa isang photoshoot.
Ang proyektong ito ay inilunsad sa tulong ng Opulence Design Concept at itinuturing na isang milestone sa mundo ng fashion at art collaborations. Hindi lamang ito makasaysayan, kundi isa ring patunay ng global influence ni Heart bilang Pinay fashion icon.
Habang abala si Heart sa fashion weeks at exclusibong projects, patuloy rin siyang nagdadala ng karangalan sa Pilipinas sa global platform. Malinaw na napapanatili niya ang kanyang status bilang isa sa mga pinakakilalang endorser at style influencer mula sa bansa.
Bukod sa collaboration, patuloy rin ang pagbibida ng Paraiba Tourmaline ring ni Heart sa social media at mga jewelry forums. Bagama’t naging usap-usapan ang halaga nito, nilinaw ng isang online jewelry seller at alahera na hindi aabot sa 56 million pesos ang presyo ng singsing. Ayon sa analysis, ang singsing ay nagkakahalaga lamang ng higit sa isang milyong piso—malayo sa inaakalang multi-milyon presyo.
Ayon kay Kei Chan, isang jewelry analyst, na-overestimate lang ng netizens ang presyo ng Paraiba ring dahil kay Heart Evangelista ito suot. Totoo ngang malakas ang hatak ni Heart—anumang isuot o i-promote niya ay nagmumukhang high value sa mata ng publiko.
Sa huli, napatunayan lamang na talagang effective endorser si Heart Evangelista. Dahil sa kanyang influence, lahat ng kanyang isuot—mula sa designer collaborations hanggang sa mga precious stones—ay nagiging hot item at hinahanap-hanap ng fans at fellow fashionistas.