Xian Gaza may say sa ina ni Andrea Brillantes: "para mo pong sinisiraan ang sarili mo sa publiko"

Xian Gaza may say sa ina ni Andrea Brillantes: "para mo pong sinisiraan ang sarili mo sa publiko"

Xian Gaza may say sa ina ni Andrea Brillantes: "para mo pong sinisiraan ang sarili mo sa publiko"
Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang sagot ng ina ni Andrea Brillantes na si Mabel Gorostiza sa isang netizen nang tanungin sya kung paano nya pinalaki ang anak na si Andrea.

Nang sagutin niya ito ng si Andrea lang naman ang nakapagpatayo ng aming bahay at nakapagpaaral sa kaniyang mga kapatid.

At hindi ito pinalampas ng social media personality na si Xian Gaza.

Aniya, hindi raw ito nakaka-proud lalo na’t hindi naman dapat si Andrea ang gumagawa ng mga bagay na ‘yun.

“Mommy Belle, hindi ka po dapat proud na si Andrea ang nakapagpagawa ng bahay niyo at nakapagpatapos ng mga anak mo sa school. Kasi kapag ipinagsigawan mo po ito eh para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko,” dagdag pa ni Xian.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko po kayo maaaring husgahan dahil hindi ko po alam ang buong kwento ng inyong pamilya.”

Nagpaalala din si Xian na dapat mag-ingat ang lahat sa mga binibitiwang salita at huwag basta basta magpapadala sa bugso ng damdamin.

Sinabi pa nya na responsibilidad ng mga magulang na pag-aralin at bigyan ng maayos na buhay ang mga anak.

Sey ni Xian, “To the public, responsibilidad ng isang magulang na mapagtapos kayo hanggang grade 12. Bonus na lang yung college. Responsibilidad din nito na mabigyan kayo ng maayos na tahanan".

Nagremind din sya sa mga anak na hindi nila responsibilidad ang mga kapatid pero ok lang naman daw na tumulong sa kanila dahil sa pagmamahal.

"Hindi niyo responsibilidad yung mga kapatid ninyo. Tumutulong lang kayo sa kanila out of pagmamahal. At kung natulungan nila kayo, ayan ay tinatawag na utang na loob,” sabi ni Xian.

Giit pa niya, “Huwag niyo silang abusuhin. Hindi nila kayo obligasyon. Hindi nila kasalanan kung bakit hindi makapag-provide ng maayos yung mga magulang niyo. Mahigpit na yakap sa lahat ng mga Ate at Kuya na breadwinner ng pamilya!”