Vice Ganda naapektuhan din sa hiwalayang KathNiel, "dating masaya, ngayon hindi na..."

Vice Ganda naapektuhan din sa hiwalayang KathNiel, "dating masaya, ngayon hindi na..."

Vice Ganda naapektuhan din sa hiwalayang KathNiel, "dating masaya, ngayon hindi na..."
Matatandaang nitong nakaraan lang ay kinumpirma ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na tinatapos na nila ang kanilang 11 years na relasyon.

Bukod sa madaming fans ng KathNiel ang nanghinayang at nagluksa sa balitang ito ay isa din sa mga sobrang nalungkot ay ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda.

Ayon sa TV host-comedian, bukod sa pagiging fan ay malapit din niyang kaibigan ang mga ito ang totoo nyan ay binanggit nya na itinuturing nya rin itong anak-anakan.

"I’m sad. Until now I am sad. Yung damdamin ko bilang malapit sa kanilang dalawa, bilang fan nilang dalawa, yon malungkot,” pahayag ni Vice sa panayam ng ABS-CBN.

Dugtong pa ng Unkabogable Star, “Parang hindi yata normal kung magiging masaya tayo na nakikitang may dalawang taong malungkot.

“Dalawang tao na dating masaya, tapos ngayon hindi na masaya sa piling ng isa’t isa. Normal na damdamin lang yon, na katulad ng iba na malungkot,” saad pa ni Vice Ganda.

Wala raw ibang hiling ang komedyante ngayon kundi ang kapayapaan at kaligayahan sa puso ng KathNiel, “I wish them peace, healing, and joy.

“Gusto ko silang makita na masaya uli. Kung ano man ang pamamaraan nila ng pagmu-move on, suportahan na lang natin,” dagdag pa nya.

Maaalala nitong November 30 ay halos sabay nagpost ang dalawa upang ipahayag sa lahat ang kanilang relasyon ay dumating na sa wakas.

Pahayag ni Kathryn, “I’m well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me; It’s true that Deej and I have decided to part ways.

“Like any relationship, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to were we used to be.

“It just won’t be fair to pretend that everything is still the same,” sabi ng Kapamilya actress.

Pahayag naman ni Daniel, “Pagibig. Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito,

“Isang malaking biyaya ang pagmamahal.

“Ang mahalin ka. At mahalin mo.

“Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows.

“Our lives may drift away, but our love will still ride that tide,” ang bahagi pa ng naging mensahe ni DJ para kay Kath.