Magbabalik na nga ba?: It's Your Lucky Day, magbabalik diumano ngayong December

Magbabalik na nga ba?: It's Your Lucky Day, magbabalik diumano ngayong December

Magbabalik na nga ba?: It's Your Lucky Day, magbabalik diumano ngayong December

"Hey, Hey, Today's your Lucky Day
Hey, Hey, tara na't mag-celebrate"

Magbabalik na nga ba ngayong December ang ABS-CBN program na "It's Your Lucky Day"?

Ito ngayon ang tanong matapos lumabas sa artikulo ng columnist na si Ambet Nabus na diumano'y may plano na ang pamunuan ng ABS-CBN na ibalik ang "It's Your Lucky Day" ngayong December.

Ayon daw sa source ni Nabus, nasiyahan daw ang management ng Kapamilya Network sa naging pagtanggap ng Kapamilya viewers at ilang netizens sa programa, na nagsilbing pansamantalang kapalit ng ABS-CBN noontime show na "It's Showtime" na dumaan sa 12-day suspension.

Dagdag pa ng source ni Nabus, posibleng mas mapaaga pa daw ang pagbabalik nito oras na maisa-ayos ang budget nito per advertiser. 

Hindi pa masyadong malinaw kung ilalagay ba ito bilang pre-programming sa It's Showtime o TV Patrol.

Sa isa namang video na ipinost ng main host nito na si Luis Manzano na si dating Batangas Governor at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na nais nitong maibalik sa ere ang It's Your Lucky Day, lalo't marami daw itong napasayang mga manonood sa labing-dalawang (12) araw na pagpapalabas nito.

Matatandaang naging guest host sa It's Your Lucky Day si Ate V. noong October 21, Sabado.