'Pangangalakal' ni Lyca Gairanod sa Amerika, viral!

'Pangangalakal' ni Lyca Gairanod sa Amerika, viral!

'Pangangalakal' ni Lyca Gairanod sa Amerika, viral!


 - Pinagkaguluhan ng netizens ang viral video ng singer na si Lyca Gairanod habang siya'y nasa Amerika

- Ibinahagi niya ang kanyang video habang nag-d-dumspter diving sa kanyang official Facebook account

- Aniya, sanay naman daw siya sa ganoong gawain dahil dati na rin siyang namumulot ng basura

Viral at umabot na sa milyun-milyon ang views ng video ng singer na si Lyca Gairanod matapos nitong magpunta sa US upang mag-dumpster diving.

Ibinahagi niya sa kanyang Facebook account, ipinakita ni Lyca na sanay na sanay ito na mamulot ng mga 'basura' dahil dati na niya rin itong ginagawa.

Pinasok ni Lyca ang isang dumpster truck at doon siya nanguha ng mga gamit na itinapon na. Marami kasi sa mga ito ay magagamit pa at maaaring maiuwi ng Pilipinas.

Marami naman ang natuwa kay Lyca dahil kahit sikat na ay hindi nito ikinahiya ang trabaho niya dati noong hindi pa siya mayaman.

Panoorin ang video: