Ogie Diaz, ipinagtanggol ang umano'y pagve-vape ni Kathryn sa mga bashers: "Normal 'yun!"

Ogie Diaz, ipinagtanggol ang umano'y pagve-vape ni Kathryn sa mga bashers: "Normal 'yun!"

Ogie Diaz, ipinagtanggol ang umano'y pagve-vape ni Kathryn sa mga bashers: "Normal 'yun!"


 - Isang netizen ang nagrecord ng video ni Kathryn Bernardo na umano'y makikitang may hawak na vape

- Ang video na ito ay kumalat online at ilang mga netizens na binabash si Kathryn dahil sa umano'y pagve-vape nito

- Pinagtanggol naman ni Ogie Diaz si Kathryn dahil hindi na raw bata pa si Kathryn sa mga ganitong bagay

Kinuhanan ng isang netizen ng video ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo at saka ito inupload online.

Makikita sa naturang video ang pagpulot ni Kathryn sa tila isang flash drive ngunit ito pala ay isang e-cigarette o mas kilala sa tawag na vape.

Dahil dito, maraming netizens ang nambash kay Kathryn sa paggamit ng vape at umabot na ito kay Ogie Diaz.

Para kay Ogie, "Parang feeling nila eh nakakabawas ng pagka-wholesome. Jusko po, tama na 'yan!"

Dagdag pa niya, baka raw kasi 'me time' ito ni Kathryn at kinuhanan ito ng video ng netizen. "Parang me time ni Kathryn 'yun kinunan niya."

Chika pa, baka raw wala nang pakialam si Kathryn sa mga sasabihin ng publiko dahil may hawak itong vape sa pampublikong lugar lalo na't hindi na ito 'child star'.

Narito ang kabuuan ng video: