Ogie Diaz may komento sa tatlong noontime shows na maglalaban sa Hulyo

Ogie Diaz may komento sa tatlong noontime shows na maglalaban sa Hulyo

Ogie Diaz may komento sa tatlong noontime shows na maglalaban sa Hulyo


- May komento si Ogie Diaz hinggil sa tatlong noontime shows na maglalaban-laban simula Hulyo ngayong 2023

- Aniya, mabubuhay na naman ang free TV dahil tila aktibo na naman ang kompetisyon sa pananghalian sa mga channels

- Nanawagan naman ito na 'wag nalang sanag ibash at mamili nalang kung ano talaga ang gustong panoorin

Natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang mangyayaring kompetisyon tuwing tanghali sa Kapatid, Kapuso, at Kapamilya network.

Matatandaang binasag ng It's Showtime ang online world sa announcement nilang lilisanin na nila ang TV5 at mapapanood na sila sa GTV ng GMA. Ganun din ang TVJ na makikita na muli tuwing tanghali sa TV5.

Dahil dito, tatlong TV noontime shows na ang pagpipilian ng casual viewers simula July 1. Ito ang Eat Bulaga sa GMA, It's Showtime sa GTV at, ang bagong TVJ show sa TV5.

"So tatlong noontime show ang maglalaban-laban. Marami ngayong pamimilian 'yung mga televiewers. Buhay na naman ang free TV," banggit ni Ogie.

Ipinaalala naman ni Ogie sa mga manonood na huwag nang magbigay ng mga negatibong komento sa mga papanoorin nila.

"I-welcome natin sila with open arms. 'Wag na nating silang, 'ay pangit ng palabas na 'to. Ang chaka naman nito. Mamili nalang kayo ng panonood. Nasa inyo naman ang remote," dagdag pa nito.