Andrea Brillantes ipinakita sa kanyang viral video ang natamong pasa sa braso

Andrea Brillantes ipinakita sa kanyang viral video ang natamong pasa sa braso

Andrea Brillantes ipinakita sa kanyang viral video ang natamong pasa sa braso


- Ipinakita ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang natamo niyang pasa sa paglalaro ng lato-lato

- Tila nahumaling na rin ang aktres sa paglalaro ng viral na laruan na trending sa mga Pinoy

- Ipinost niya ito sa kanyang Instagram stories at makikita nga sa braso niya ang tama ng lato-lato

Nakisabay na rin sa trend ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa paglalaro ng lato-lato na viral ngayon sa mga Pinoy.

Trending kasi ngayon ang laruang 'lato-lato' na kapag tumama sa iyong braso ay maari kang magkaroon ng pasa sa sakit ng bolang tatama.

Sa kanyang Instagram stories ay ipinakita niya sa kanyang followers ang nakuha niyang pasa sa paglalaro nito.

“Lato-lato pa more. Nagkapasa na tuloy,” caption niya.

Narito ang reposted video:

@kapamilyafiles GRABE NAMAN! LATO-LATO PA MORE 🤣🤣🤣 #Kapamilya #ABSCBN #AndreaBrillantes #Lato #LatoLato #fyp #foryou ♬ original sound - Kapamilya Files