Alex G may hirit laban sa Showtime?: "Mag overtime tayo.. wag natin sila papasukin (Showtime)"

Alex G may hirit laban sa Showtime?: "Mag overtime tayo.. wag natin sila papasukin (Showtime)"

Alex G may hirit laban sa Showtime?: "Mag overtime tayo.. wag natin sila papasukin (Showtime)"
- Viral ang clip ni Alex Gonzaga mula sa Noontime show na Tropang LOL

- Sa nasabing clip ay mapapanood ang tila hirit umano ni Alex G laban sa It's Showtime

- Nagbiro rin ito patungkol sa umano'y maaaring pagbabalik ni Billy sa show

Viral at usap-usapan ngayon ang isang clip mula sa noontime show na Tropang LOL dahil na rin sa mga binitiwang biro nang isa sa mga host nito na si Alex Gonzaga.

Sa pagtatapos kasi ng episode nila kung saan nagpapaalam sila sa mga manonood ay nagbiro si Alex Gonzaga patungkol sa pag-oovertime ng show upang hindi na papasukin pa ang susunod na show, ang It's Showtime.

Nitong nagdaang mga araw lamang kasi ay kinumpirma na ng pamunuan ng TV5 ang pagtatapos ng Tropang LOL mula sa kanilang 11am tineslot sa TV5, A2Z, Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel.. hindi naman malinaw kung maglilipat network na ba sila o tuluyan ng mamamaalam sa ere.

"Wag na natin 'tong tapusin, mag overtime tayo 'wag na natin silang papasukin," hirit ni Alex na pabirong naiiyak pa.

"Mapuputol pa rin kahit anong mangyari," mabilis na sagot naman ni Billy Crawford sa hirit na ito ni Alex G.

Matapos na mag biro ni Alex ay pabiro na ring naiiyak si Billy bilang pahiwatig sa nalalapit na pagtatapos sa ere ng kanilang programa, dahil dito ay nagbiro muli si Alex G.

"Daddy Bills baka naman bumalik ka doon ha," biro ni Alex G.

Matatandaang dati nang naging host ng It's Showtime si Billy Crawford.

Hindi ito nagustuhan ng ilang netizens dahilan upang ibahagi ng twitter user na si AltCristyFermin ang naturang clip, kasunod din nito ang ilan pang hirit ng netizens.

Panoorin ang clip dito: