Laglagan?, Kapatid ni Rendon nilaglag siya.. "Hindi nakuha.. hindi marunong umacting eh"

Laglagan?, Kapatid ni Rendon nilaglag siya.. "Hindi nakuha.. hindi marunong umacting eh"

Laglagan?, Kapatid ni Rendon nilaglag siya.. "Hindi nakuha.. hindi marunong umacting eh"
- Patuloy na pinag uusapan ngayon ang mga hirit ni Rendon kay Coco Martin

- Kamakailan ay nagsalita si Coco hingil sa isyu na iyon

- Samantala ang kapatid naman ni Rendon ay nagsalita na rin patungkol sa isyu

Patuloy na pinag-uusapan ngayon ang patungkol sa mga hirit ng motivational speaker na si Rendon Labrador laban sa Batang Quiapo ni Coco Martin.

Kamakailan nga ay naglabas na ng kaniyang saloobin si Coco Martin kung saan ibinunyag niya na naimbitahan pala nito si Rendon bilang maging bahagi ng serye ngunit hindi natuloy.

Samantala maging ang kapatid ni Rendon na si Jormiel Labador o mas kilala sa social media bilang Haring Bangis ay naglabas na ng saloobin hingil sa mga di matapos tapos na hirit ng kapatid.

Sa video'ng ibinahagi niya ay pinanood nito ang clip kung saan nagsasalita si Coco hingil sa isyu at saka ibinahagi nito ang kaniyang saloobin.

"Tol, kinukuha ka naman pala anong iniiyak mo? Kasi si utol kasi parang may lihim na galit kay Coco Martin eh, parang personal eh no,” sey ni Jormiel 

"Siguro pinag-acting, hindi nagustuhan, hindi nakuha. Yun ang feeling ko eh, hindi marunong um-acting eh,” dagdag pa niya 

Nagbigay rin ng payo si Jormiel sa kapatid niyang si Rendon na mag acting workshop sa halip na mag-complain sa social media.

“Kung gusto mo talagang mag-artista tol, mag-workshop ka. Baka hindi nag-work shop, baka puro gym.. Tol wag puro gym, mag-workshop ka, gusto mo palang mag-artista [pero] ayaw mong mag-workshop,” ani Jormiel.

“Parang ‘yung gusto mong lumaki ‘yung katawan mo pero ayaw mong mag-gym, mag-workshop ka, papakilala kita kay Direk Bobot. Umiiyak ka sa Facebook tapos hindi ka naman pala marunong um-acting, acting-an ang laban diyan,” dagdag pa niya.

Panoorin ang kabuuan dito: