The Primetime King is back; FPJ's Batang Quiapo to have it's free TV premiere tonight

The Primetime King is back; FPJ's Batang Quiapo to have it's free TV premiere tonight

The Primetime King is back; FPJ's Batang Quiapo to have it's free TV premiere tonight
Magbabalik na ang Primetime King sa telebisyon.

Ngayong gabi na kasi ang premiere telecast ng much-awaited action serye na FPJ's Batang Quiapo.

Halaw sa 1986 box office hit classic ni Fernando Poe, Jr., sesentro ang kwento sa istorya ni Tanggol (Coco Martin), isang basagulero ngunit mapagmahal na anak sa kanyang ina (Cherry Pie Picache), ama (John Estrada), nakababatang kapatid (McCoy de Leon) at sa kanyang lola (Charo Santos-Concio).

Para sa bida nitong si Coco Martin, malaking challenge sa kanya ang Batang Quiapo, lalo't malaki ang pressure dahil sa success ng FPJ's Ang Probinsyano, na tumagal lang naman ng pitong (7) taon sa ere.

Mula sa ABS-CBN Entertainment, Dreamscape at CCM Film Productions, mapapanood ang FPJ's Batang Quiapo ngayong 8PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z at TV5.

Mapapanood din sa TFC: The Filipino Channel at iWant TFC.