Vice Ganda, handa nang magka-baby! Pinag-aaralan na ang proseso ng surrogacy

Vice Ganda, handa nang magka-baby! Pinag-aaralan na ang proseso ng surrogacy

Vice Ganda, handa nang magka-baby! Pinag-aaralan na ang proseso ng surrogacy
Buo na umano ang loob ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy.

Sa bagong vlog ng dating Manila Mayor na si Isko Moreno kung saan nakapanayam nito ang It's Showtime host, inamin ni Vice na tutol siya sa ideyang magkaanak noon dahil takot siya sa pang-aalipustang maaaring sapitin ng bata.

“Dati talaga no-no kahit nga ‘di biological kahit biological, no-no talaga ako. Ayoko kasing i-subject ‘yung magiging anak ko sa social injustices, sa discrimination.”

“‘Di ba kahit anong gawin natin, iba yung tingin ng mga tao ‘pag ‘yung tatay niya bakla. Naawa ako du’n sa bata. Yung prejudice…bakit ganoon ‘yung tatay mo?” paliwanag ni Vice.

“Masasaktan siya eh. At mararamdaman niya na baka may mali sa amin kaya ayoko."

Ngunit pagsisiguro niya, ngayon na ay handa na siyang maging magulang ng sariling anak kasama ang partner na si Ion Perez. “Until I met Ion at na-build ‘tong relationship namin and I found it really so beautiful; na sabi ko na kayang-kaya naming magka-baby,” ani ni Vice.

“Bigla lang, ‘Ay gusto ko nang magka-baby. Wala na ‘kong pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga na lang ay ibi-build ko ‘yung personality ng magiging anak ko; ‘yung character niya,” sagot nito ng tanungin kung kailan niya ito napagtanto.

Pinag-aaralan na rin niya umano ang pagsasailalim sa proseso ng surrogacy.

"I was planning to do it. Nagpunta akong Amerika tapos alam ko na kung saang pupuntang doctor, pero I didn’t have the luxury of time to pursue kasi ang dami kong ginagawa." 

"Kailangan kong mag-allot ng oras at mag-devote ng oras, at tanggapin na kailangan ko munang i-set aside 'yung showbiz kahit ilang buwan para matutukan ko ‘yun."

Kung siya raw ang tatanungin, mas gusto umano niyang magkaroon ng anak na babae, “Gusto kong gawin sa kanila ‘yung hindi ko na-experience, ipapa-experience ko sa kanila. We will experience that together.”