Dani Barretto, nagsisi na inupload ang video ng pamamahid ng cake ni Alex Gonzaga

Dani Barretto, nagsisi na inupload ang video ng pamamahid ng cake ni Alex Gonzaga

Dani Barretto, nagsisi na inupload ang video ng pamamahid ng cake ni Alex Gonzaga
May pagsisisi umano si Dani Barretto nang magsalita ito sa unang pagkakataon tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan ng kaibigan na si Alex Gonzaga noong kaarawan nito.

Wala umanong intensyon si Dani na makapanakit nang iupload niya sa kanyang Instagram story ang video ng pagpunas ni Alex ng icing cake sa mukha ng isang server sa nasabing pagdiriwang. 

Inulan ng negatibong mga reaksyon mula sa netizens si Alex matapos lumabas ang nasabing video dahil sa umano'y hindi makatarungang ginawa ni Gonzaga sa server. 

"Of course I do have regrets kasi nakasakit ako ng tao. Siyempre, wala sa intensyon kong makasakit lalo na on her birthday," ani ni Dani ng makapanayam ng ABS-CBN sa isang thanksgiving party ng kanyang kaibigan sa Taguig.

"Siguro, iyon 'yung pinaka mabigat para sa akin, na nakasimula ako ng isang bagay na hindi ko naman ginusto. Kasi very important sa pamilya namin 'yung mga Gonzaga. They're very loving to our family. Alex is a very good friend of my sister. So, talagang mahal na mahal ng pamilya namin ang mga Gonzaga, and vice versa," paliwanag pa nito.

Tinawagan agad umano ni Dani si Alex ng magsimulang mag-viral ang kanyang inupload na video sa kanyang Instagram story.

"Alam naman iyon ni Alex, kasi sa kaniya talaga ako unang nag-reach out. Wala akong ibang kinausap, wala akong ibang ginawa. I reached out to her first and apologized to her first," wika nito.

Matatandaang i-shinare pa nga ni Alex ang nasabing story sa kanyang account, subalit sabay ring binura ng dalawa ng magsimula nang bumuhos ang negatibong reaksyon ng netizens.

"Kaya hindi ako nagsasalita, kasi ayoko na talaga siyang palakihin.Move on narin tayo sa isyu na 'to.Okay kami ni Alex. Wala kaming ill feelings towards each other," pagsisiguro ni Dani.

Magiging maingat na umani si Dani sa susunod na magpopost sa kanyang Instagram story at susubukan na rin na lumayo sa mga cake.