Direk Cathy Garcia Molina, inaming hindi siya nagandahan kay Ivana, "Hindi ako nagagandahan, until.."

Direk Cathy Garcia Molina, inaming hindi siya nagandahan kay Ivana, "Hindi ako nagagandahan, until.."

Direk Cathy Garcia Molina, inaming hindi siya nagandahan kay Ivana, "Hindi ako nagagandahan, until.."
- Inamin ng batikang direktor na si Cathy Garcia Molina ang unang impression niya kay Ivana

- Sa naganap na presscon ay ibinahagi ng direkto sa media ang naturang kwento

- Kasunod nito ang pagku kwento pa niya ng karanasan matapos maka-trabaho si Ivana

Sa isang panayam ay inamin ng batikang direktor na si Cathy Garcia Molina ang nararamdaman niya para sa aktres na si Ivana Alawi.

Dito ay inamin niya na noong una ay hindi naman siya nagagandahan sa dalaga, ngunit nagbago ang lahat ng mag look test na sila para sa kanilang upcoming MMFF movie na Partners In Crime, kung saan siya ang direktor kasama pa si Vice Ganda.

"Ang totoo, hindi ako nagagandahan kay Ivana - until nag-look test kami. Sabi ko, 'Ang ganda naman palang bata niyo'. Mahal siya ng kamera," paunang kwento ni Molina.

Matapos nito ay ibinahagi pa niya ang karanasan ng makatrabaho na niya si Ivana.

"Of course syempre mabait, Hindi naman pwedeng hindi mabait sa akin 'di ba. Nag go grow siya sa akin," kwento nito.

"Ivana, I think portrayed this character well," pagku kwento naman niya patungkol sa acting ni Ivana para sa pelikula. "In fairness, walang Ivana sa movie. And I hope you see that too. When you watch this, you will not see Ivana, you will see Barbara Nicole Rose Albano," dagdag pa nito.

Mapapanood na ang Partners In Crime ngayong kapaskuhan bilang bahagi ng MMFF 2022.