Barbie Hsu nahaharap sa matinding akusasyong ibinabato ng kaniyang ex-husband

Barbie Hsu nahaharap sa matinding akusasyong ibinabato ng kaniyang ex-husband

Barbie Hsu nahaharap sa matinding akusasyong ibinabato ng kaniyang ex-husband
- Isang matinding akusasyon ang ibinabato sa Meteor Garden star na si Barbie Hsu

- Ang nagbabato ng akusasyon pang ito ay ang kaniyang Ex-Husband

- Mabilis namang pinabulaanan ni Barbie Hsu ang lahat ng mga akusasyong ito, saka pumukol din ng akusasyon laban sa ex-husband

Nahaharap ngayon sa isang matinding kontrobersiya ang Taiwan Superstar at Meteor Garden star na si Barbie Hsu.

Inakusahan kasi ng dati niyang asawa si Barbie Hsu na umano'y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, kaakibat ang pagtataksil umano sa kanilang naging relasyon.

Sa ulat ng The Hive Asia nabanggit din nito ang tungkol sa malaking bayarin sa kuryente na umano ay ayaw niyang bayaran.

Mabilis naman nilinaw ni Barbie Hsu ang mga akusasyon sa isang social media post at nilinaw na may sakit siya sa puso, dahilan upang imposible umanong gumamit siya ng iponagbabawal na gamot.

Ibinahagi rin ni Barbie ang litrato ng isang handwritten note kung saan pirmado pa ng kaniyang dating asawa, patunay umano ito ng pagpapahiram niya ng pera sa dating asawa.

Matatandaang ikinasal si Barbie Hsu kay Xiaofei, isang Chinese Entrepreneur, noong November 16, 2010 at naghiwalay nitong nakaraang taon. November 2021.

Tatlong buwan naman makalipas ang kanilang pagdi-divorce ay ibinahagi ni Barbue Hsu sa publiko ang pagpapakasal nila ng South Korean rapper na si Koo Jun Yup, sa isinalaysay pa nito na naging mabilis ang kanilang pagpapakasal dahil sa hindi na rin umano sila mga bata pa at ayaw ng sayangin ang mga oras na dapat ay magkasama sila.