Asawa ni Jovit na si Camille, naglabas ng sama ng loob sa maagang pagpanaw ng asawa

Asawa ni Jovit na si Camille, naglabas ng sama ng loob sa maagang pagpanaw ng asawa

Asawa ni Jovit na si Camille, naglabas ng sama ng loob sa maagang pagpanaw ng asawa
- Hindi napigilang mapamura ni Camille sa kinalalagyan niya ngayon, asawa ni Jovit

- Sa kaniyang facebook account ay naglabas siya ng kaniyang hinaing

- Kaakibat naman nito ang pagpapatunay niya ng pagmamahal sa asawa

Hindi na napigilan pang magbahagi ng sama ng loob si Camille Ann Miguel, ang asawa ni Jovit, sa kaniyang facebook account kaya naman napamura na ito sa nangyari sa kaniyang asawa.

"Hindi ko Lubos maisip na makikita kitang andyan, sobrang hirap ng sitwasyon kong ganto, nangyare na ang d inaasahan P*t*ng *nan* Buhay to!!!mag papasko mag babagong tao, mahal na mahal po kita Love koJovit Lasin Baldivino," pagbabahagi ni Camille.

Sa isa pang post ay ibinahagi naman niya ang kuwento kung saan tinatanong niya ang sarili kung paano ba siyang magsisimula ngayong wala na ang asawa niya.

"Asawa ko dko alam pano ulit ako mag sisimula dko alam pano ko sa araw araw, nasanay akong alagaan ka araw araw hintayin ka Lagi makauwe para masubuan kita kumaen."

Ikinuwento pa nitong alam niyang lumaban ang asawa niya ngunit nahihirapan siyang tanggapin na wala na siya.

"Love sobrang hirap na naiwan akong mag isa na dko alam pano uli mag sisimula ng wala kna sa tabi ko, alam kong Lumaban ka tulad ng pangako mo sken bago ka maoperahan na hintayin kita at Lalaban ka, alam kong ginawa mo lhat ng makakaya mo para Lumaban kase pag kinakausap kita sa ICU kht umiiyak ka sobrang sakit sobramg hirap alam ng lhat at Lalong alam mo kung Gaano kita kamahal at Lalong alam ko po kung gaano mko kamahal magpapakasal pa tayo eh mag bababy pa tayo napakadami pa nten plano, nasanay akong ikiss ka bago matulog at pagkagsing kayakap ka buong mag damag pano nko Love pano nko.

"Ayokong mahirapan ka pa kaya kung san ka man ngaun magpahinga kapo at wala knang sakit na mararamdaman dko na sasabihn gagawin ko nlng na kht wala kna andto pdn ako sa likod ng pamilya mo na pamilya ko naren napaka hirap tanggapin pero kailangan MAHAL NA MAHAL PO KITA LOVE KO AT D MAG BABAGO YAN KAILANMAN," buong kwento nito.

Pumanaw nitong December 9 si Jovit Baldevino matapos na mag collapse at magkaroon ng Aneurysm.